Sarah walang awang binaboy ng bastos na grupo sa internet

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MERONG walang magawang tao na naninira kay Sarah Geronimo.

Nakita kasi namin sa isang website ang isang article about Sarah’s alleged photo scandal.

Nakita namin ang photo and only an insane person will believe na si Sarah nga ang nasa litratong ‘yon. Halatang-halata na naging biktima lang ang Popstar ng kabastusan sa internet.

The photo caught a young female on top of a naked guy habang nasa couch. Obvious na obvious na ipinatong lang ang ulo ni Sarah to make it appear na siya ang babaeng nakapatong sa nakahubad na lalaki.

Sino kaya ang nagpakalat ng photo na iyon? Kung sino man siya ay isa siyang EPIC FAIL because nobody will believe him/her.
Sarah is a very decent woman. Walang maniniwalang capable siyang gawin iyon. Not Sarah. Kaya sana makunsensiya kayo!

Anyway, balitang-balita na magdyowa na nga sina Sarah at Matteo Guidicelli. They’re just keeping their romance to themselves siguro dahil ayaw nilang maging fodder to gossip ang kanilang relasyon. Mas tahimik na relationship yata ang gusto ng dalawa para na rin hindi sila maintriga.

 

 

Read more...