DEAR Aksyon Line:
Magandang araw po sa inyo na bumubuo ng Inquirer Bandera.
Sumulat po ako dahil gusto ko po na mag ask ng assistance sa SSS.
Una, hindi na ako makapag avail ng salary loan sa SSS dahil meron po akong housing loan sa SSS sa gumuhong subdivision ng Cherryhomes, Antipolo, Rizal dahil sa deklaradong condemned na po ito noon. Isa po ang bahay ko na nagkaroon ng damaged sa tragedy na yon kaya po simula noon ay hindi na naman matirahan. Subali’t patuloy po kaming/akong si-nisingil ng SSS sa buwanang hulog ko. kayat sa tuwing nag-aaplay ako ng salary loan eto po ang ginagawang rason na regrets/denial ng applicationko.
Maaari nyo po ba akong tulungan ng
kinauukulan sa SSS.
Lubos na
gumagalang at maraming salamat
Gerardo R. Castro
Blk 18 lot 28 Cherry hills subdivision
Brgy San Luis,
Antipolo, Rizal
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni Mr. Geraldo Castro.
Ayon sa general terms and conditions ng pagkuha ng Salary Loan sa SSS, hindi maaaring mabigyan ng pagkakataon ang isang member na makakuha ng Salary Loan kung ito ay delingkwente sa pagbabayad sa ibang loan sa SSS.
Ayon kay Mr. Castro, mayroon siyang Housing Loan na hanggang sa ngayon ay sinisingil sa kanila.
Ang Housing Loan na nakuha ni Mr. Castro ay hindi direktang loan mula sa SSS. Ito ay sakop ng isang programa kung saan sa pamamagitan ng pondong
inilaan ng SSS, may partikular na bangko na nagpahiram sa mga miyembro ng SSS para sa housing.
Sa ilalim ng kasalukuyang mga panuntunan ng SSS, obligado itong singilin ang mga pautang nito sa mga miyembro.
Pinapayuhan namin na makipag-ugnayan si Mr. Castro sa bangko kung saan nakuha ang loan para malaman kung mayroon itong programa para sa mga katulad niya na maaa-ring makatulong sa kanila ukol sa kanilang problema sa Housing Loan.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Mr. Castro. Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
Media
Monitoring Team
Media Affairs
Department
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!