Heart Evangelista may mensahe sa mga sumasabotahe sa IG niya

Heart Evangelista may mensahe sa mga sumasabotahe sa IG niya

Heart Evangelista

NAGLABAS ng pahayag ang actress-socialite na si Heart Evangelista ng pahayag sa mga taong patuloy na sumasabotahe sa kanyang Instagram.

Nitong Huwebes, June 20, nagbahagi ng video ang Kapuso star sa Instagram upang ilahad ang kasalukuyang pinagdaraanan sa kanyang online content para sa Paris Fashion Week.

Chika ni Heart, aware siya na mayroong mass reporting at pananabotahe sa kanyang mga fashion videos.

“I’ve been getting a lot of direct messages about my last reel, KENZO. It was a great video, I truly enjoyed it.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista game sa reunion movie ng ‘Ang Tanging Ina’

“But, unfortunately, there are groups of people again sabotaging my Instagram, and a lot of my fans are angry,” pagbabahagi ni Heart.

Pinasalamatan naman ng aktres ang kanyang mga followers na magpapadala ng kanilang mensahe sa kanya bilang babala sa mga nangyayari.

“We’re fine. We’re living, so hayaan na. Hindi natin kailangan ma-haggard,” pabirong sabi pa ni Heart.

Inalala pa nga niya ang pangyayari noon kung saan naiiyak ito dahil sa mababang views ng kanyang mga videos dahil nga importante ang engagement para sa kanya.

Ngunit ngayon daw ay deadma na si Heart dito.

“Let’s just be happy and not get angry,” sey pa niya.

Bagamat alam ni Heart na trabaho para sa kanya ang pag-attend sa mga fashion show ay talagang nae-enjoy niya ito.

“In fact, yes, it was a living, it’s what I do, but it is not only what I do. Isang ubo ko lang, naga-gastos ko rin ‘yung kinita ko, so hindi rin siya for a living. It’s just really what I enjoy,” pagbabahagi pa niya.

Read more...