BGYO pakilig sa ‘Gigil’; rock-rakan na sa CC6 Music Fest 2024

BGYO pakilig sa 'Gigil'; rock-rakan sa CC6 Music Fest 2024 sa Cavite

BGYO

“MAKIPAGROCK-RAKAN” at maki-sing along sa mga sikat at award-winning OPM artists at performers sa bonggang-bonggang “CC6 Music Fest 2024.”

Ngayong June 29 na magaganap ang pinakaaabangang “CC6 Music Fest 2024” sa Vista Mall Concert Grounds sa Tanza, Cavite.

Baka Bet Mo: Kapamilya stars excited na sa pagbabalik ng Star Magic Ball, sports fest ngayong 2022

Makakasama rito ang ilang kilalang singer, banda at grupo ng mga dancers na siguradong maghahatid sa inyo ng rakrakang kaligayahan.


Magpe-perform sa music event na ito ang Rocksteddy, Mayonnaise at ilan pang OPM bands. Nandiyan din ang social media influencer na si Lai Austria, SexBomb New Gen, Showtime Dancers at marami pang iba.

Ang pasabog na music fest ay handog ng CC6 at JAF Digital and yes, free admission ito kaya lahat ay invited! At marami pang mga sorpresang handog ang CC6 sa mga manonood kabilang na ang mga giveaways at raffle prizes.

Kaya sugod na mga ka-BANDERA sa Vista Mall Concert Grounds sa Tanza, Cavite sa June 29, Sabado ng hapon. Magsisimulang magpapasok ng audience pagsapit ng 1 p.m..

* * *

Kilig na nakakapanggigil ang ibinida ng Filipino boy group na BGYO sa kanilang bagong single na “Gigil.”

Baka Bet Mo: BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!

Inilunsad din ng grupo ang performance video kung saan ibinida ng members na sina Gelo, JL, Akira, Mikki, at Nate ang kanilang bagong imahe tampok ang mensahe ng kakaibang kilig at saya na hatid ng pagsisimula ng pag-ibig.

Sa pagkakataong ito, naging mas hands on ang grupo pagdating sa kanilang musika.

“Before we recorded the song we would meet on what we could do to make it more kami,” saad ni Mikki.

“It can be sexy or cute. If mapapanood niyo yung performance video, we wanted to be colorful. ‘Yung manggigigil ka sa sobrang ka-cutan,” dagdag ni JL.


Ipinrodyus ni BoJam ng FlipMusic ang awitin habang isinulat ito nina Julius James “Jumbo” De Belen and John Michael Conchada.

Sa loob ng isang linggo, umani na ito ng 116,000 streams sa Spotify habang ang performance video nito ay may mahigit 100,000 views naman sa YouTube. Umarangkada rin ang kanta sa unang pwesto sa iTunes Philippines, Saudi Arabia, at UAE. Tampok din ito sa Spotify Philippines New Music Friday playlist.

Kamakailan ay inilunsad ng BGYO ang single na “Patintero” na meron na ngayong 1.8 milyong streams sa Spotify. Inawit din nila ang “Uuwian” na bahagi ng soundtrack ng “What’s Wrong With Secretary Kim” habang si JL ay naglabas ng solo version nito.

Samantala, nagsama sina Gelo, Mikki, at Maymay Entrata para sa “Kalma Kahit Magulo” na mula sa “High Street” soundtrack.

Makisabay sa tugtog ng bagong single ng BGYO na “Gigil” na available sa iba’t ibang streaming platforms.

Read more...