IGAN winasak ang imahe ng GMA, patalsikin agad

BROADCASTER Arnold Clavio is now the talk of the town dahil sa kanyang controversial interview with the lawyer of Janet Napoles na si Atty. Alfredo Villamor.

Kumalat sa social media  ang hindi-kagandahang paraan ni Arnold ng pag-i-interview  sa abogado ni Napoles. Napakinggan at napanood namin ang video na kumalat sa Facebook and we were quite surprised at the AUDACITY of this GMA 7 broadcaster in displaying his ARROGANCE while doing the interview.

Any which way we look at it ay talagang nakakabastos  ang inasal ni Igan.  Noong una pa lang ay kinlaro na ni Atty. Villamor na ang hawak lang niyang kaso ni Napoles ay tungkol sa serious illegal detention case.

When Arnold asked, “Pero hindi ba pagkakataon na rin niyang maharap itong si Benhur Luy sa senado?” ay ito ang naging tugon ni Atty. Villamor, “There would be an opportunity for that pero as I’ve said po ay hindi naman ako involved doon sa pagharap niya sa senado o doon sa cases involving the PDAF.”

“Pero kailan po siya nakatakdang humarap sa korte para sa panig niya?” follow-up question ni Arnold. Siguro’s nalito, the attorney asked, “Sa serious illegal detention case po?”

“Opo, ‘yun ‘yung kasong hawak n’yo po, ‘di ba? Eh, di ‘yun ang tanong ko. Kailan po siya naka-schedule sa korte?” “Ano po, wala pong schedule because we’re just waiting for the outcome of the resolution on the petition for bail,” sabi ni Atty. Villamor.

Feeling exasperated, Arnold asked, “Sino na ho ba ang dapat namin kausapin tungkol dito?”  “When it comes to the serious illegal detention case po as I’ve said ay ako po ‘yung lawyer.

Pagdating po sa PDAF ay hindi po ako ang abogado. ‘Yun ang usapan namin ni Ms. Napoles.” “Kaya nga po binabalikan ko po…pansira ka ng araw, eh. Kaya nga sinasabi ko ‘yung serious illegal detention po attorney.

Kayo ho ba, opisyal nang humaharap na kinatawan niya, abogado kayo doon?” pagtataray  ni Arnold.  Napasagot naman si Atty. Villamor ng “opo” na parang natatawa.

This probably pissed off Arnold who said, “Natatawa-tawa ka pa. Binago ko na nga po (ang tanong ko), binalikan ko na nga po.”
The broadcaster asked kung ano na ang latest sa pagpipiyansa ni Napoles.

Sabi ng abogado ay hinihintay pa nila ‘yung outcome nu’ng resolusyon sa petition for bail. Then Arnold abruptly cut the interview. A big disappointment can be sensed from the way he ended the interview, “Sana pala hindi namin kayo (natawagan).

Sige po salamat sa inyo. Wala po akong nakuha sa inyo. Salamat po attorney.”    Marami ang naimbiyerna sa inasal ni Arnold. One was TV host Bianca Gonzalez who tweeted this message on her @iamsuperbianca account, “I would hate to see the day that someone would tell me ‘panira ka ng araw’… in any situation..especially in public.”

Although she did not name Arnold, obvious namang  ang GMA 7 news anchor ang kanyang tinutukoy. Facebook users were also visibly disappointed by Arnold’s SHENANIGANS, “I saw that portion and i was so inis. birthday pa naman niya. parang nag-aastang diyos ang mga journalist. they had become the news themselves, the issue. they have developed such bloated sense of importance,” sabi ng isang guy.

“Grabe naman tong si Arnold Clavio, ang bastos mag interview. kahit na abogado yan ni Janet ‘Baboy’ Lim Napoles eh karapatan din nyang igalang sya ng tao.

Naka on air ka pa naman Arnold pero bakit ang rude mo sa tao. Tskkkkk,” comment naman ng isa pa. “Parang ang bastos naman ni Arnold Clavio dito. Hindi man lang naging propesyunal sa pag-panayam.

Tsk,” obserbasyon naman ng isa pang hindi nagustuhan ang inasal ng GMA news anchor. Ano kaya ang magiging reaction ni Arnold dito? Any comment, Arnold?

Ano naman kayang aksyon ang gagawin ng GMA News kay Arnold? Suspendihin kaya siya sa kanyang inasal? O, tanggalin nang tuluyan dahil kasiraan siya sa news department ng network?

Aware kaya sila na marami ang bumatikos kay Arnold sa social media dahil sa kanyang interview na ‘yon?

( Photo credit to Google )

Read more...