JAMES busy sa karelasyong ITALIAN kaya wala nang panahon kay BIMBY


Sinasabi na nga ba at hindi basta-basta uupuan lang ni Kris Aquino ang mga naging pahayag ng abogado ni James Yap na si Attorney Lorna Kapunan sa Good Morning Club tungkol sa napagkasunduan nila sa hukuman kaugnay sa karapatang mahiram-makasama ng basketbolista ang kanilang anak na si Bimby.

Madiin kasing sinabi ng abogado na mula nang mapag-usapan ang visitation rights ni James sa bata ay hindi naman ‘yun nangyari, kaya ang sabi ni Attorney Kapunan, “Sana naman, sa mga ganyang usapin, no one is above the law.”

Siyempre, naalarma si Kris sa pangyayari, sinabihan niya agad ang kanyang abogado na sagutin ang mga naging pahayag ni Attorney Kapunan, at lumalabas nga ngayon na si James Yap ang nagkukulang para makasama nito ang kanyang anak kay Kris Aquino.

Si James daw ang ni hindi tumatawag, ang ni hindi nagpapasabi kung kailan nito kukunin ang kanyang anak, naghihintay lang daw naman ang kampo ng aktres para du’n.

Ano naman kaya ang masasabi ng basketball player tungkol sa depensa ni Kris? Mananahimik na lang kaya ito, tatanggapin na lang ang mga sagot ni Kris, para matapos na ang kanilang argumento?

Dahil du’n ay siguradong may mag-iisip na kaya hindi nasusundo ni James ang kanyang anak ay dahil sa sobrang atensiyong ibinibigay nito sa kanyang girlfriend na Italyana.

Kaya siguro nawawalan ng panahong makasama ni James ang bata ay dahil nandiyan ang kanyang karelasyon na minsan-minsan lang namang nandito kaya kailangang samantalahin na nila ang pagkakataong palaging maging magkasama.

May alam kaming kuwento na nu’ng minsang sunduin ni James si Bimby ay wala naman pala sa condo unit ng aktres ang kanyang anak, umalis daw ang mag-iina at nagbakasyon sa kung saan, kaya malungkot na lang na umalis si James.

Anuman at sinuman ang nagsasabi ng totoo sa magkabilang panig ay ang kapakanan pa rin ni Bimby ang pinakamahalaga, kung ano ang makabubuti para sa bata habang lumalaki ito, ‘yun ang dapat bigyan ng atensiyon nina James Yap at Kris Aquino.

( Photo credit to Google )

Read more...