Maja Salvador nanganak na, ibinandera ang kanilang ‘Maria’

Maja Salvador nanganak na, ibinandera ang kanilang 'Maria'

IPINANGANAK na ng TV host-actress na si Maja Salvador ang kanilang panganay na babae ni Rambo Nuñez.

Ang masayang balita ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram page nitong Sabado, June 1.

Sa kanyang post ay makikita ni Maja ang larawan ng paa ng kanilang newborn baby.

Baka Bet Mo: Maja Salvador, Rambo Nuñez ipinagdiriwang ang 1st wedding anniversary

“Our Maria 🤍 May 31, 2024,” saad ni Maja sa caption ng kaniyang post.

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang congratulatory messages para sa bagong celebrity mom.

“Congratulations @maja @rambonunez!!! [heart emojis],” saad ni Nadine Lustre.

Sabi naman ni Kakai Bautista, “[crying emojis] WE LOVE YOUUUUUUUUUUUUUU ayan na syaaaaa[heart emojis]”

“Awwww!!! congratulations po Kuya Rambo & Bro!!!!!! [heart emojis],” sey naman ni Ryzza Mae Dizon.

Read more...