HINDI in-expect ng Kapuso actor at Quezon City councilor na si Alfred Vargas na mananalo siyang Best Actor sa 72nd FAMAS (Filipino Movie Arts and Sciences) awards.
Wagi ang aktor at public servant para sa pelikulang “Pieta” kung saan nakasama niya ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..
Ayon kay Konsi Alfred, feeling daw niya ay nasa cloud 9 pa rin siya nang makatsikahan namin kahapon bitbit ang kanyang tropeo. Ka-tie niya sa pagka-best actor si Piolo Pascual para naman sa pelikulang “Mallari.”
Baka Bet Mo: Alfred Vargas kay Ate Guy: ‘Superstar talaga siya, ‘yung husay at talento highest level talaga!’
Sabi ng aktor, na bibida uli sa upcoming Kapuso series na “Forever Young”, ito ang kauna-unahan niyang FAMAS award at talagang hindi niya inasahan na maiuuwi niya ang Best Actor trophy.
Matitindi rin kasi ang mga nakalaban ni Alfred kabilang na sina Dingdong Dantes (Rewind), Alden Richards (A Family Of Two), Ken Chan (Papa Mascot), at Cedric Juan (GomBurZa).
“Totally unexpected! Hindi ko talaga ine-expect honestly. Nu’ng nakita ko na nandu’n lahat ang mga best actor nominees, sabi ko, just to be part of this list exclusively, okay na ako,” pahayag ni Alfred na mas gumuwapo pa ngayon at ang fresh-fresh.
Sey pa ng aktor, dahil nga hindi niya ine-expect na magwagi, talagang nagulat siya nang tawagin nina Vilma Santos at Christopher de Leon (presentors) ang name niya.
Baka Bet Mo: Alfred Vargas umakyat ng ‘ligaw’ kay Ate Guy: ‘Sobrang kaba…inalok niya akong kumain ng buchi, ng pizza saka pancit’
“Sobrang saya ko! Du’n sa speech ko, ‘yung acceptance speech ko, sinama ko rin siyempre (sa pinasalamatan) si God, ‘yung family ko, FAMAS.
“Pero talagang nagpapasalamat ako, kay direk Adolf (Alix, direktor ng Pieta), kasi, siya naman ang nag-assemble ng cast na ‘to, eh, saka ng movie na ‘to.
“Ang ganda talaga, eh, ‘yung mapagsama mo si Nora Aunor, Gina Alajar, saka Jaclyn Jose. Tapos ako, makaeksena ko sila, feeling ko ‘yun talaga ang nakatulong sa ‘kin,” pahayag pa ng konsehal.
Ang “Pieta” ang isa sa mga huling pelikulang nagawa ni Jaclyn Jose bago siya namaalam kaya inialay din niya ang natanggap na award sa namayapang aktres.
Feeling proud and grateful din siya nang mag-tie sila ni Piolo “I’m very, very happy and proud to share it with Piolo. Kasi naalala ko, nu’ng Star Circle days ko, idol ko na si Piolo nu’n, eh.
“Siya talaga ‘yung titiningala du’n, so to share the stage with him and this award with him, napakaswerte ko,” dugtong niya.
Tawa kami nang tawa nang magbiro si Alfred na sa sobrang excitement na naramdaman niya ay katabi pa niyang natulog ang kanyang FAMAS trophy.
“Ito (hinawakan ang tropeo) ‘yung ginawa kong unan, eh. Ha-hahaha! Actually, wala pa akong tulog ngayon,” aniya.
Ngayon daw ay mas na-inspire pa siyang magtrabaho at mag-produce ng marami pang makabuluhan at de-kalidad na pelikula na maaaring ipagmalaki ng mga Filipino sa buong mundo.
“Oo naman, and sinabi ko, mahal na mahal ko talaga ang pelikulang Pilipino. Hangga’t kaya ko, gagawa’t gagawa tayo saka we will continue acting until the last day of our lives,” sabi pa ni Councilor Alfred.
Very soon ay mapapanood uli ang aktor sa upcoming drama series ng GMA, ang “Forever Young” kasama sina Nadine Samonte, Eula Valdes at Rafael Rosel.