I-text kay Madam Sophia

Mula kay Jessie ng …4590. October 6, 1995 ang birthday ko. B.S. Nursing po ang course ko ngayon, makakatapos kaya ako ng pag-aral at makakapasa sa board exam?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa zodiac sign mong Libra at birth date na 6, tiyak ang magaganap, makakatapos ka ng pag-aaral at makakapasa sa nursing board exam na nakatakdang mangyari sa taong 2016 sa edad mong 21 pataas.

Mula kay Althea Dela Cruz ng Tacurong City. July 7, 1989 ang birthday ko at September 30, 1981 naman ang boyfriend ko. Compatible po ba kami at magkakatuluyan?
Tugon ni Madam Sophia: Hindi kayo compatible ng boyfriend mo at hindi rin kayo ang magkakatuluyan, sa halip, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang makakatuluyan mo na may birth date na 2, 11, 20 o kaya’y 29.

READ NEXT
Read more...