Kiko Estrada ‘open’ bang makatrabaho ang ex-GF na si Heaven Peralejo?

Kiko Estrada ‘open’ bang makatrabaho ang ex-GF na si Heaven Peralejo?

Kiko Estrada, Heaven Peralejo

MUKHANG hindi pa handang makatrabaho ng aktor na si Kiko Estrada ang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo.

Ito ang tila inihayag ni Kiko matapos siyang humarap sa ilang entertainment press kamakailan lang para sa bagong time slot ng TV5 series na “Lumuhod Ka sa Lupa.”

Base sa recent TikTok video post ng entertainment reporter na si MJ Marfori, may nagtanong mula sa media kung open nga ba ang aktor na makatrabaho si Heaven kung sakaling mabigyan ang dating couple ng proyekto together.

“Actually, I don’t know, I just wish her the best. But maybe I have my own thing and she has her own thing,” sagot ni Kiko.

Mabilis na follow-up question sa kanya, “Pero hindi imposible?”

Baka Bet Mo: Marco, Heaven wish magkaroon ng ‘happy ending’ ang relasyon: Boom!

Tugon ni Kiko, “I mean for me, it’s just work.”

“I just don’t want any stress in my life, ‘cause this ‘Lumuhod Ka sa Lupa’ came from peace, came from peace of mind, came from rebirth if you wanna call it,” sey pa niya.

Ayon sa aktor nais muna niyang mag-focus na maging isang magaling na aktor.

“A new version of yourself that you are trying to be a good actor, so let me be that first and let’s focus on the rest,” dagdag niya.

Kung matatandaan, noong May 2021 nang mabalitang naging magdyowa sina Kiko at Heaven, pero naghiwalay rin makalipas ang apat na buwan.

Bago ‘yan, na-bash nang bonggang-bongga ang dalawa matapos ilantad ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng kanilang sweet photos sa Instagram.

Marami kasi ang nagsasabing si Heaven ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Kiko at ang aktres na si Devon Seron.

Pero ‘yan ay mariing pinabulaanan at itinanggi ni Kiko.

Samantala, mapapanood na ang “Lumuhod Ka sa Lupa” sa primetime slot ng TV5 simula sa June 2.

“Lilipat na po tayo sa primetime. I am very blessed and honored to share this news with you,” sey ni Kiko.

Ani pa niya, “Nakakataba ng puso ang lahat ng suporta na ibinibigay ninyo sa show namin. I just want to thank everyone.”

Read more...