PINATOTOHANAN ng Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi ang milyun-milyong kita sa pagla-live-selling.
Rebelasyon ng sexy vlogger, may pagkakataong kumita raw siya at ang kanyang pamilya ng mahigit P10 million sa loob lamang ng ilang oras ng pagbebenta online.
Sa isang interview, nabanggit ng dalaga na tumagal din ng dalawang taon ang kanyang pagla-live-selling kung saan katuwang niyang nagbebenta ang kanyang nanay at mga kapatid.
Baka Bet Mo: Arjo tuloy na ang pagpo-produce ng pelikula; sumabak na rin sa lock-in taping para sa bagong serye
“I’ve been doing livestreams for more than a year. Siguro two years. I’m not sure pero mga ganu’n,” ang pahayag ng Kapamilya sexy star.
Dagdag pang chika ni Ivana, “‘Yung biggest revenue was again eight digits in just a few hours.”
Kuwento pa ni Ivana, maaari pa sana silang kumita nang mas malaki sa online at live-selling pero naubusan na raw sila ng stock.
“Pwede siyang mag-nine digits kaso naubusan na kami ng stocks. So wala na kaming mabenta.
“All our side na ‘yung naging problem not with TikTok. Hindi kami naubusan ng buyers, on our end na,” paliwanag ni Ivana.
* * *
Patuloy na pinapatunayan ni Judy Ann Santos ang pagiging “Forever Kapamilya” at isa sa ultimate stars ng ABS-CBN dahil excited na ang fans sa gagawin niyang mga proyekto, kabilang na rito ang seryeng “The Bagman.”
Baka Bet Mo: ‘Rewind’ ng DongYan kumita na ng P815-M, natalo na ang ‘Hello, Love, Goodbye’
Umaarangkada na nga si Juday para sa taping ng action drama series na “The Bagman,” na pinagbibidahan din nina John Arcilla at Arjo Atayde.
Kamakailan lang ay nagpasalamat si Juday sa mga bumubuo ng “The Bagman” dahil sa munting sorpresa na inihanda nila sa set para sa kaarawan niya.
Ang “The Bagman” ang magsisilbing acting comeback ni Juday pagkalipas ng limang taon, kung saan gumaganap siya bilang presidente ng Pilipinas, kaya excited na ang fans na masaksihan muli ang kanyang galing sa pag-arte.
Kamakailan nga ay naging emosyonal ang kanyang mga tagasubaybay nang magpost siya sa Judy Ann’s Kitchen sa YouTube ng reunion kasama ang kanyang mga “Gimik” co-star niyang sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Mylene Dizon, at Dominic Ochoa.
Sa higit tatlong dekada ni Juday bilang Kapamilya, napamahal na siya sa mga manonood dahil sa kanyang natatanging pagganap sa iba’t ibang serye at pelikula.
Ilan sa mga hit shows niya ay ang “Mara Clara,” “Esperanza,” at “Gimik,” at ang mga pelikulang “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko,” “‘Till There Was You,” at “Kasal, Kasali, Kasalo.”
Unang nakilala si Juday sa hit 1992 TV series na “Mara Clara” kasama si Gladys Reyes. Magmula noon, nanalo siya ng iba’t ibang awards at isa na rito ang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival.
Ang huli niyang teleserye ay ang 2019 Kapamilya primetime series na “Starla” at naging host din siya ng inspirational 2021 docu-drama na “Paano Kita Mapasasalamatan.”