Mga ‘HUDAS’ niresbakan ni CLAUDINE; Pinasalamatan ang pagdamay ni EDU

MULI na namang nagparinig si Claudine Barretto sa mga taong nang-iwan daw sa kanya sa laban nang sumabog ang iskandalo sa pagitan nila ng kanyang asawang si Raymart Santiago.

Nabasa namin sa Instagram account ng aktres ang ilang mensahe na tumutukoy sa mga dati niyang kaibigan na “naghugas-kamay” daw nu’ng kasagsagan ng mga issue sa kanya.

Pero hindi niya pinangalanan ang mga taong tinutukoy niya. Nakita namin ang isang picture sa IG account ni Claudine kung saan kasama niya ang dalawang babae na sinasabing mga kaibigan niya, ito ay may caption na: “Happy birthday to a Frend who came wen d others turn their baks @naghugas kamay.tnx Coleen! I luv u my frend & Sister.”

Kasabay nito, ipinost din ng aktres ang larawan ng kanyang amang si Mike Barretto kasama ang TV host-actor na si Edu Manzano, na inilarawan niyang isang “adopted brother” nilang magkakampatid.

Pinasalamatan ni Claudine si Doods dahil sa respeto at pagmamahal na ibinibigay nito sa kanyang mga magulang. Sabi ni Claudine, “@therealedumanzano my Adopted Brother.thanks for always being wid Dad & mom. we luv u so much.

Thank u for always spending time wid Dad & Mom. u r a son & brother to us. we luv us so much!” Ang nasabing picture nina Mr. Barretto at Edu ay kuha noong birthday party ng una.

( Photo credit to Google )

Read more...