Bagong K-Drama na ‘Hierarchy’ babandera sa June 7

Bagong K-Drama na ‘Hierarchy’ babandera sa June 7

PHOTO: Courtesy screengrab from Netflix Philippines

MAY bagong K-drama na aabangan sa susunod na buwan!

Ito ang high school Korean drama na may titulong “Hierarchy” na tampok ang mga next generation of K-Teen stars.

Ito ay mula sa direksyon ni Bae Hyeon-jin, ang filmmaker sa likod ng ilang sikat na K-Drama na “Start Up,” “Big Mouth,” at “Alchemy of Souls.”

Ang setting ng serye ay sa Jooshin High School kung saan ang basehan ay ang yaman at estado sa buhay ng mga estudyante.

Baka Bet Mo: ‘Cashero’ bagong K-Drama ng Netflix, bida ang K-Pop idol na si Jun-ho ng 2PM

Heto ang inilabas na synopsis ng Netflix sa isang press release: 

“The series unfolds in a prestigious private high school governed by a rigid social hierarchy that reflects the corruption often seen in adult society, complete with the inevitable gossip, scandal and conflict. The teaser reveals a world where the children of the rich hold sway with their money and social rank.”

Ang bida sa “Hierarchy” ay ang South Korean actress na si Roh Jeong-eui na tumampok sa Korean series na “Badland Hunters” at “Our Beloved Summer.”

Gagampanan niya ang karakter bilang si Jung Jae-i, ang most popular girl sa eskwelahan na binansagang queen.

Mapapanood din diyan si Lee Chae-min as Kang Ha, ang scholar na transferee na nagpagulo sa kanilang mundo.

Naroon din si Kim Jae-won bilang si Kim Ri-an, ang boyfriend ni Jae-i at ang tinanghal na king ng eskwelahan.

Makakasama sa grupo ng popular students sina Chi Hae-won as Yoon He-ra at Lee Won-jeong bilang si Lee Woo-jin.

PHOTO: Courtesy of Netflix

Ang “Hierarchy” ay ipapalabas exclusively sa streaming service na Netflix sa darating na June 7.

Read more...