ISANG milestone ang muling natamo ng Vivamax ngayong mayroon na itong 11 million subscribers!
Imagine, apat na milyon agad ang nadagdag sa loob lamang ng isang taon. Ibig sabihin talagang humaharurot ang mga pasabog ng mga Vivamax Original movies and series.
Ipinagdiwang din ng Vivamax ang 7 million subscribers noong June 2023. Unang ipinakilala sa publiko ang Vivamax noong January 2021, at ito pa rin ang fastest growing video-on-demand service sa bansa.
Baka Bet Mo: Karla Estrada super thankful na graduate na ng BS in Office Administration: ‘Natupad din ang pangarap ko!’
Sa ngayon, halos 500 titles na ang mapapanood sa Vivamax. Malapit nang umabot sa 200 ang mga original Vivamax content.
Bawat linggo ay may bagong pelikulang pinapalabas. Ito ay patunay na to the max talaga magpaligaya ang Vivamax.
Sa pagdiriwang ng 11-million milestone na ito, ipinagmamalaking ipinakikilala ng Vivamax ang 11 baguhan at naggagandahang artists nito.
Si Dyessa Garcia ay unang lumabas sa “Tuhog” at “Araro” noong 2023, at sinundan agad ng major role sa “Dilig” nito lamang January at “Kabit” noong February.
Naging number one ang pelikula niyang “Sweet Release” nitong April, kung saan nakasama niya ang Vivamax Princess na si Ataska, at naging maalab ang kanyang mga eksena.
Maraming nahibang kay Rica Gonzales simula nang lumabas siya sa pelikulang “Hibang”.
Baka Bet Mo: Dimples Romana proud na ibinandera ang achievement ng anak
Hindi lamang ganda ng katawan ang pinakita niya, kundi ang pagiging versatile na artista sa mga sumunod niyang pelikula.
Isa siyang mapanlinlang sa “Dilig”, mapusok na nobya sa “Mapanukso”, sakiting asawa sa “Kapalit”, at sexy dancer na nais magbagong-buhay sa “Dayo”.
Sa kanyang mga unang proyekto, nakasama ni Christy Imperial ang mga bituin sa “The Rain in España”, “La Querida”, “Dirty Ice Cream”, at “Asintado”. Kahit na pinasok niya ang mundo ng showbiz, pinagpapatuloy ni Imperial ang kanyang pag-aaral at ang iba niyang interes gaya ng swimming, volleyball, at modelling.
Si Arah Alonzo ay unang lumabas sa “Araro” at “Sex Games” noong 2023. Ngayong taon, pinag-init niya ang Vivamax sa pelikulang “Kalikot” at “Stag”.
Bata pa lang siya ay marami na siyang sinalihang acting workshop. Sumali rin siya sa “Sexy Babe” sa It’s Showtime. Nagbukas ang mga oportunidad sa kanya sa tulong ng kanyang manager na si Jojo Veloso.
Si Vern Kaye ay may talento sa pagkanta at pagsayaw, at pagdating sa pag-arte naisabak na siya sa papel na taksil na asawa sa “Kasalo” kung saan kasama niya si Albie Casiño.
Sa “Salitan”, sumiping siya sa isang estranghero gayong kasal siya sa karakter ni Nico Locco. Marami pang dapat abangan mula kay Vern Kaye.
Si Athena Red ay may dugong Pinoy, Espanyol at Kuwaiti. Nag-aral siya ng culinary at naging modelo.
Ayon sa kanya, siya ay magaling magpatawa, pero seryosong-seryoso sa pag-aartista. Maraming inihahanda ang Vivamax para sa kanya. Una dito ang pelikulang “Ang Pintor at ang Paraluman”.
Bata pa lang ay pangarap na ni Alessandra Cruz na maging artista. Siya ay nadiskubre sa talent agency.
Malaki ang pasasalamat niya sa pagiging bahagi ng Vivamax at excited siyang matutunan pa ang maraming bagay at makabilang sa mga nakaka-inspire na artista. “Nurse Abi” ang una niyang pelikula na ipalalabas sa July.
Unang lumabas si Jenn Rosa sa “Araro” noong 2023. Ngayong Mayo, isa siya sa mga bida sa “Kulong” na iikot ang kwento sa tatlong magkakaibigang gustong makapagsulat ng bigating pelikula.
Hahanap sila ng sexual adventures para maging tema ng kanilang kwento. Bumibida rin siya sa “TL” na palabas na ngayon sa Vivamax.
Tubong Pagadian City, Zamboanga del Sur, si Candy Veloso ay walang balak mag-artista noong una. Pero nang mag-viral ang pagsali niya sa segment ng “It’s Showtime” na “EXpecially For You,” naging interesado na siya dito hanggang naging manager niya si Jojo Veloso.
Espesyal sa kanya ang first acting experience sa “Kapalit”, at ngayon ay mapapanood siya sa “Dirty Ice Cream.”
Maraming acting workshop ang dinaluhan ni Mariane Saint bilang paghahanda sa mga proyekto niya sa Vivamax. Una na rito ang “Top 1”.
Sa kanyang mala-anghel na mukha, siguradong maraming maaakit kay Saint. Hindi ito nakakalimot na magpasalamat sa kanyang manager na si Lito De Guzman, at malaki ang pag-asa niyang makamit ang professional growth.
Si Skye Gonzaga ay may talent sa pagiging DJ, kaya’t binigyan rin siya ng kontrata bilang official DJ artist sa ilalim ng Viva Artist Talent Management.
Hindi lang galing sa pagsasalita kundi husay sa pag-arte ang handa niyang ipakita sa Vivamax. Abangan ang kanyang pelikulang “Only Friends” at “Ang Pintor at ang Paraluman.”
Maraming artista na ang inangat ng Vivamax bilang mga tunay na artista, tulad na lamang Angeli Khang, Azi Acosta, Yen Durano, Christine Bermas, Robb Guinto, Angela Morena, Micaella Raz at AJ Raval.
Dahil sa reality show na “Pantaxa (extreme 4play)”, nabigyan ng pagkakataon sina Aiko Garcia, Apply Dy, at Angelica Hart na patunayang karapat-dapat silang maging VMX Crushes.
Ngayon, panahon na para sa 11 baguhang artista na ibandera rin ang kanilang ganda at husay para maging ganap na bituin.