DEAR Aksyon Line:
Tawagan ninyo na lamang akong Charise. Ako po ay nagtatrabaho bilang purchaser sa isang restaurant na pag-aari ng isang Malaysian national. Ang nasabi pong restaurant ay matatagpuan sa Dela Rosa St. Makati City.
Gusto ko lang po na ireklamo ang hindi pagbabayad ng aking employer sa pagtatrabaho ko ng 22 days plus ang Overtime pay.
Bagaman wala pa po akong isang buwan sa aking employer hindi po ba karapatan kong kunin ang kabayaran ng aking pinaghirapan sa aking pagtatrabaho.
Subali’t sa halip po na ibigay ang aking sweldo ko ay pinagbintangan pa niya ako na ako ay isang magnanakaw at ipapahuli sa pulis.
Dahil po sa takot ko ay nagdesisyon po ako na layasan ang aking employer.
Gusto ko lang po na itanong sa DOLE kung ano ang mga karapatan ko at kung pupwede ko po bang kasuhan ang dati kong employer sa hindi niya pagbabayad sa aking pinagtrabahuan? Sana po ay matulungan ninyo ako.
REPLY: Charise ang maipapayo ko sa iyo ay pumunta ka sa tanggapan ng DOLE at doon ay ipapaasiste kita sa national conciliation and mediation board.
Maari mo nang isalaysay ang lahat ng
iyong karanasan at ang mga reklamo laban sa iyong employer.
Ibigay mo ang lahat ng detalye ng iyong pinagtatrabahuhan, maging ang contact number nito dahil ang naturang kumpanya ay ipapatawag ng mediation board upang malaman ang buong katotohanan sa likod nito.
May karapatan kang hilingan ang iyong sweldo sa loob ng 22 araw kasama na rin ang overtime pay at humingi ka na rin ng certificate of employment.
Tandaan mo na hindi maaaring ipagkait ng
iyong employer na mabigyan ka ng certificate of employment dahil ito ay ‘compulsory’ o inaatasan ang mga employer na mag-isyu ng certificate of employment sa mga empleyado nito.
Hangad ng DOLE na mabigyan ng tulong ang mga empleyado o manggagawa na nangangailangan ng tulong at malaman ang kanilang karapatan.
Dir. Nicon
Fameronag
DOLE director for Communications
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!