Billy todo-kayod sa France, nag-sorry kay Coleen dahil wala ‘nung anniversary

Billy todo-kayod sa France, nag-sorry kay Coleen dahil wala 'nung anniversary

PHOTO: Instagram/@billycrawford

KAHIT abala sa trabaho, ibinandera ng singer-actor na si Billy Crawford ang kanyang pangungulila sa misis na si Coleen Garcia at anak na si Amari.

Hindi magkasama ngayon ang mag-asawa dahil may mga proyekto ngayon si Billy sa France, habang ang kanyang mag-ina ay nandito sa Pilipinas.

Sa Instagram, ibinandera ng singer ang litrato nilang dalawa ni Coleen, pati na rin ang solo picture ng kanyang anak.

Sa mensahe ni Billy, inamin niyang nahihirapan siya dahil malayo sa kanya ang pamilya.

“I’m counting my sleep cause I miss you so much [crying emoji]. It’s so hard being away from family,” caption niya sa IG.

Baka Bet Mo: Liza Soberano ayaw nang mag-artista pagdating ng edad 30: I want to learn how things work behind the scenes

Kasunod niyan ay humingi siya ng tawad dahil wala raw siya sa tabi ng kanyang misis upang ipagdiwang ang kanilang wedding anniversary.

“And to my wife, I’m so sorry I wasn’t there for our anniversary but I want to thank you for always supporting me and letting me hustle the way I hustle,” mensahe niya kay Coleen.

Dagdag niya, “I can’t wait to be in your arms and play with our little munchkin hehe.”

“A few more days and I’m back. Stay safe everyone cause the [world emoji]  becoming crazier and crazier by the day,” ani pa niya sa post.

Noong April 21 nang ibinandera ni Coleen ang kanyang matamis na mensahe para sa 6th wedding anniversary nila ni Billy.

Nabanggit din niya roon na nami-miss na niya ang mister bilang busy ito ngayon sa ibang bansa.

Inihayag din niya ang kanyang pasasalamat sa mister na naging dahilan na lalo siyang naging “better person.”

“Thank you for always being here to help me become the best version of myself, and also for making every effort to be the best you can be for us,” saad sa bahagi ng IG post.

Matatandaang taong 2018 nang ikinasal ang mag-asawa at biniyayaan ng anak na lalaki na si Amari noong 2020.

Read more...