Hirit ni Ruru: Lahat tayo pwedeng maging bayani tulad ni Black Rider!

Hirit ni Ruru: Lahat tayo pwedeng maging bayani tulad ni Black Rider!

Ruru Madrid

PATULOY ang pag-ulan ng mga blessing sa personal at showbiz career ng “Black Rider” lead star at tinaguriang Kapuso Action Hero na si Ruru Madrid.

Bukod kasi sa tuluy-tuloy ang magandang ratings ng “Black Rider” ay wagi rin ang nasabing action-packed series sa ginanap na New York Festivals TV & Film (NYF) Awards.

Nasungkit ng show ni Ruru ang Bronze Medal sa Entertainment Program: Drama category at inalay niya ito sa mga unsung hero.

Say ni Ruru sa kanyang socmed post, “This recognition is dedicated to all the unsung heroes and Filipinos facing life’s challenges.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid ibinuking ang sikreto sa tagumpay ng ‘Black Rider’

“We share this New York Festival medal with you. Many thanks to the judges, Kapuso, and the entire nation for believing that we can all be heroes like Black Rider. To GOD be the Glory! MABUHAY! #TatakPublicAffairs,” aniya pa.


Bongga talaga dahil pang-international na ang primetime series ni Ruru under GMA Public Affairs na nanalo ang lahat ng entries this year.

Talaga namang nagbubunga ang hard work ng Kapuso actor na hindi nakakalimot na ibalik ang papuri sa mga taong sumusuporta sa programa.

Baka Bet Mo: Carla Abellana ibinuking ang tunay na ugali ni Ruru Madrid; bakit mas tumaas pa ang respeto sa mga action stars?

Ngayon nga ay mas marami pang dapat abangan sa “Black Rider” sa pagsisimula ng bagong digmaan sa pagitan ni Elias (Ruru) at ng kanyang mga kalaban.

Marami ring dapat abangan gaya ng crossover ni Doc Analyn (Jillian Ward) ng “Abot Kamay Na Pangarap” at mga bagong karakter tulad na lamang ni Vivamax A-list actress Angeli Khang.

Mapapanood din sa serye sina Yassi Pressman, Rio Locsin, Jon Lucas, Jestoni Alarcon, Herlene Budol, Lianne Valentin, Luke Conde, Epy Quizon, Madam Inutz,  William Lorenzo, Yul Servo, at Matet de Leon.

Read more...