Pakikidalamhati sa pagpanaw ni Ka Erdie Manalo

PUMANAW noong Lunes ng hapon ang lider ng Iglesia Ni Cristo (INC), na si
Executive Minister Erano Manalo, ayon sa opisyal na pahayag kaninang
umaga.
Sinabi ni Bienvenido Santiago, tagapagsalita ng INC, na si Ka Erdie ay
pumanaw alas-3:53 ng hapon noong Lunes. Ayon sa kanang doktor na si Rey
Melchor Santos, si Ka Erdie ay namatay sanhi ng cardiopulmonary arrest.
“Ikinalulungkot naming ipabatid sa buong Iglesia at sa buong sambayanan
na ang tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, ang kapatid na
Eraño G. Manalo ay pinagpahinga na ng Diyos. Pumanaw siya sa kanyang
tahanan sa ganap na 3:53 kahapon Agosto 31, 2009, sa gulang na 84 taon,”
ani Santiago. “Hinihiling namin na patnubayan ang buong Iglesia sa
panahon ng matinding dalamhati.”

Masisilayan ang kanyang labi sa Templo Sentral sa Diliman, Quezon City atdoon din siya huling ilalagak.
IHAYAG ang inyong pakikidalamhati sa pagpanaw ni Executive Minister Erano
G. Manalo, ng Iglesia Ni Cristo sa pagiiwan ng inyong mga KUMENTO.

BANDERA Editorial, September 1, 2009

Read more...