SB19 pinutakti ng ‘stalkers’, pakiusap ng grupo: ‘Respect our privacy…’

SB19 pinutakti ng ‘stalkers’, pakiusap ng grupo: 'Respect our privacy…'

PHOTO: Instagram/@officialsb19

NAGLABAS ng panawagan ang 1Z Entertainment, ang talent agency na pagmamay-ari ng SB19, kaugnay sa kahalagahan ng respeto para sa personal space ng nasabing P-Pop boy group.

Ito ay dahil sa mga “stalkers” umano na nagkakampo pa sa labas ng opisina ng ahensya.

Sa isang pahayag na ibinandera sa X (dating Twitter), kinikilala ng talent agency ang mahalagang koneksyon sa pagitan ng band members at fans, ngunit iginiit nila na may “boundaries” na dapat respetuhin.

Wika ng 1Z Entertainment, “We deeply value the connection between our artists and their fans. We appreciate the love and support you show towards their work, performances, and personal lives. However, we kindly ask for your understanding and respect when it comes to our artists’ privacy.”

Baka Bet Mo: SB19 bumuo ng sariling talent agency, willing mag-train ng new talents: ‘May minamata na kami in the future…’

Dagdag pa, “We encourage you, our dedicated fans, to express your admiration in positive and respectful ways. This includes refraining from behavior such as stalking, unauthorized photography or recording, or attempting to access private information about our artists.”

Nagpaalala rin ang ahensya na looking forward ang grupo na makipag-interact sa fans sa mga angkop na oras at kaganapan.

May mga ulat din na bukod sa stalkers na nasa labas ng opisina ng SB19 ay mayroon din daw sa ibang lugar kung saan madalas tumambay ang grupo.

May kumalat pa nga na video sa social media na pati basura ng boy band ay hinahalughog ng ilang fans.

Matapos ang pahayag ng talent agency, hinikayat ng A’TIN fans ang fellow supporters na maging responsable sa pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa grupo at iwasang manghimasok sa private life ng mga miyembro.

“Aside from SB19, please also refrain from invading the privacy of their staff, friends, and family,” saad sa post ng fan.

Paliwanag pa niya, “Please know that being in a public area does not mean you are entitled to cross personal boundaries. Every person has a personal space regardless of where they are.”

Wika naman ng isa pa, “Thank you 1Z Ent for this reminder. It’s about time for others to reflect on themselves about boundaries between artists and fans. It’s sad that this happened.” 

Read more...