HINIHINALANG selos ang motibo ng pamamaslang sa kelot kahapon ng umaga sa Taguig. Dead on the spot ang biktima, na kinilalang si Roberto Petalbero, makaraang pagtulungang paslangin ng dalawang suspek, isa sa kanila’y dating asawa ng kausap na babae.
Ayon kina SPO1 Darwin Allas at PO1 Victor Amado Biete, ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig police, masayang nag-uusap ang biktima at kaibigang si Nancy Agad sa tapat ng bahay ng babae sa Barangay Palingon,
Tipas ala-1 ng umaga nang lapitan ng suspek na kinilalang si Ricky Agad, kasama ang di pa kilalang lalaki. Agad na sinuntok ng dalawa si Petalbero hanggang bumunot ng patalim ang isa at inundayan ito ng sunud-sunod na saksak, sa kabila ng pag-awat ni Nancy.
Napagalaman na apat na buwan pa lamang nagkakahiwalay ang mag-asawang Ricky at Nancy Agad kaya’t malaki ang hinala ng pulisya na selos ang motibo ng pamamaslang.
Iniutos na ni Taguig acting chief of police Supt. Annie Bodanio ang pagtugis sa dalawang suspek.