Kitchie Nadal 20 years na sa music industry, magbabalik-entablado na

Kitchie Nadal 20 years na sa music industry, magbabalik-entablado na

PHOTO: Instagram/@kitchienadal

DALAWANG dekada na sa music industry ang OPM icon na si Kitchie Nadal sa kanyang solo career!

At bilang pagdiriwang, nakatakda siyang magbalik-entablado sa darating na June 2.

Magkakaroon siya ng concert na pinamagatang “SAME GROUND: Kitchie Nadal’s 20th Anniversary Concert” na gaganapin sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Kitchie, ibabandera sa homecoming show ang kanyang journey bilang isang music artist na isa sa naging daan sa mga kababaihan pagdating sa alternative at pop music.

Baka Bet Mo: Kitchie Nadal ibinandera sa socmed ang second baby na si Lago

Asahan ang magiging special guests ng singer na kung saan ay kabilang ang ilan sa mga pinakamalait niyang katrabaho sa music scene.

“We have a lot of surprises in store for everyone who has supported my work for almost two decades,” pagbubunyag ng award-winning singer-songwriter sa isang pahayag. 

Ani pa niya, “I can’t wait to go back home and celebrate this landmark feat with my friends, family members, and fans.”

Ang “SAME GROUND: Kitchie Nadal’s 20 th Anniversary Concert” ay presented by Big Brew and Rolling Gum, in partnership with GNN Entertainment Productions.

Mabibili ang tickets sa lahat ng Ticketnet outlets nationwide and via website.

Ang presyo nito ay mula P1,200 hanggang P4,000.

Read more...