‘Rampa Manila 2’ aarangkada sa Manila bilang pagpupugay sa Pinoy fashion

‘Rampa Manila 2’ aarangkada sa Manila bilang pagpupugay sa Pinoy fashion

PHOTO: Courtesy of ‘Rampa Manila 2’

MALAPIT nang bumandera sa lungsod ng Maynila ang kaabang-abang na fashion event na “Rampa Manila 2.”

Mangyayari ‘yan sa Bulwagang Antonio Villegas sa Manila City Hall sa darating na June 19.

Ang event ay upang kilalanin at bigyang-pugay ang Pinoy fashion na pinangungunahan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan at renowned stylist and designer na si Bang Pineda.

Ang ikalawang edisyon ay may temang “Textile, Texture, and Technique” na itatampok ang mga bonggang likha mula sa ilang highly-respected designers.

Kabilang na riyan sina Anthony Ramirez, Neric Beltran, Mark Rancy, Val Taguba, at Jhobes Estrella.

Baka Bet Mo: Heart: Yung rampa ka nang rampa dahil problemado kang umuwi kasi na-max mo na card mo!

Bibigyan din ng pagkakataon na rumampa ang mga disenyo na gawa ng ilang baguhang fashion designers mula sa mga eskwelahan ng College of St. Benilde at iAcademy na sina Dhenyze Guevara, Morissette Magalona, at Joanna Santos.

“The reason why meron kaming mga young designers, of course, we would like to introduce young blood sa fashion,” sey ni Bang sa media conference noong April 11 kung saan isa ang BANDERA sa mga naimbitahan.

Paliwanag niya, “Kaya sila ang napili ko kasi ‘yun ang forte nilang lahat. Iba-iba sila ng forte. Kasi ‘nung young designer pa ako dati, siyempre, hindi ko pa alam kung ano ang gusto kong mangyari sa aesthetic ng designs ko. But eventually along the way, you will find it.”

Pag-alala pa ng sikat na designer, “Siyempre, lahat kami started as young designers na bumibili ng tela sa Divisoria ‘nung bata kami until we were able to establish ourselves as designers ngayon.”

“So [personally], ito ‘yung parang balik ko sa fashion industry. By helping the young designers to be able to make it big in the industry,” ani pa ni Bang.

At speaking of Divisoria, hinihikayat nila ang designers na gumamit ng mga telang nanggaling sa nabanggit na lugar.

Isa rin kasi sa mga layunin ng Rampa Manila at LGU ang buhayin ang Divisoria bilang “Fabric and Textile Capital” ng bansa.

“Dati kasi talaga puntahan ang Divisoria for any needs for any kinds of textile. But during the past few years, nag-dwindle talaga ‘yung desire sa Divisoria to avail textile,” kwento ni Mayor Honey.

Patuloy niya, “In fact, marami po sa mga designers natin would rather import or get their textiles from somewhere else. So it’s also the local government of Manila’s way to help ‘yung ating mga stakeholders doing business here in the city of Manila.”

Naniniwala rin ang Manila mayor na maraming magagaling na designers sa ating bansa na naghahanap ng platform upang maipakita ang kanilang galing at talento.

Mensahe ni Mayor Honey: “To all inspiring fashion designers, keep on dreaming!”

“Make creation mirror yourself, express who you really are, think out of the box, try not to imitate other fashion designers. Be yourself, that’s it,” aniya pa.

Ang mga inaasahang dadalo sa upcoming fashion event ay mga nasa fashion industry, magazines, publications at celebrities.

Read more...