Concert ni Janella mahina ang benta, apektado sa sold out show ng BINI?

Concert ni Janella mahina ang benta, apektado sa sold out show ng BINI?

bini at Janella Salvador

ANO nga ba ang nasa likod ng pagkaka-postpone ng “Reimagined: The 10th Anniversary Concert” ni Janella Salvador na gaganapin sana sa New Frontier Theater sa Abril 15?

Walang ibinigay na dahilan sa official statement na ipinalabas ng ABS-CBN ngayong araw kung bakit ito nakansela.

Anyway, true ba na mahina raw ang galaw ng tickets ng concert ni Janella kaya mas minabuting ipagpaliban ito at kapag marami nang bumili ay saka itutuloy?

May nakatsikahan kaming taga-ABS-CBN na nakaapekto raw ang maagang promo at pagpapalabas ng tickets ng BINI concert na gaganapin din sa New Frontier Theater sa Hunyo 24 pa.

Baka Bet Mo: Janella Salvador sa na-postpone na concert: Paos kasi siya, kayo na lang

 

Bale sa promo ng Kapamilya channel ay sold out na ang concert tickets ng BINI sa ikalawa at ikatlong araw ng show nila.

Kapansin-pansin ding tadtad sa promo ang show ng P-Pop Girl ng ABS-CBN at nalaman din naming ito ang utos ng management na ilalabas ang BINI sa lahat ng platform ng Kapamilya channel para umingay nang husto at nagtagumpay naman sila.

Sabi ng kausap naming, “Apektado talaga ang concert ni Janella kasi biglang inilabas na ang BINI concert ang aga ng promo, e, aminin mo maraming fans ang BINI puro Gen Z.

“’Yung kay Janella hindi ganu’n kaingay sana tinadtad din sa promo since talent din naman ng ABS (CBN) siya, di ba?” sabi pa.

Inisip naming baka kasi solo produced ng Star Music ang BINI kaya mas focus sila samantalang ang “Reimagined” ni Janella ay hindi solo ng ABS-CBN at Star Music?

Isasabay din sana ang promo ng concert ni Janella habang nagpo-promote siya ng pelikula nila ng Korean actor na si Win Metawin mula sa direksyon ni Sigdrid Andrea Bernardo.

Ang kaso hindi nasipot ni Janella ang mall show ng promo niya dahil nagkasakit ang anak niyang si Jude.

May mga supporters naman ang singer-actress na nakabili na ng tickets na willing maghintay kung kailan matutuloy ang 10th anniversary concert ng kanilang idolo.

Read more...