INAABANGAN sa buong mundo ang “total solar eclipse” na mangyayari ngayong araw, April 8.
Ang solar eclipse ay ang pagharang ng buwan sa sinag ng araw na nagsasanhi ng pagdilim kahit may araw pa o tanghaling tapat.
“So may time na tumatama mismo ‘yung moon dun sa path na magkatapat ‘yung araw at saka ‘yung earth so nasa gitna siya, dun po tayo nagkakaroon ng solar eclipse,” paliwanag ni PAGASA astronomer Nico Mendoza sa interview ng ABS-CBN News.
“May instance na kapag nangyari ‘yun, may mga tumitilaok na manok kasi akala nila pa-sunrise pa lang,” kwento pa niya.
Baka Bet Mo: 3 araw magdidilim ang mundo fake news, pero may solar eclipse –PAGASA
At kung balak niyo itong abangan, nagbabala si Mendoza sa panganib na dulot nito kung direkta mong susubaybayan ang pagharang ng buwan sa araw.
Aniya, kailangan magsuot ng protective filters o sunglasses dahil nakakasilaw pa rin ang liwanag ng araw at masama ito sa inyong mga mata.
‘Yun nga lang, ang solar eclipse ay hindi makikita sa Pilipinas dahil dadaan ito sa North America, kabilang na ang Mexico, United States at Canada.
Bilang baliktad ang oras ng ating bansa sa Western countries, ibig sabihin niyan ay gabi na dito sa Pinas kung mangyayari ang nasabing event.
“So dahil nasa Western side ‘yung moon, essentially dun lang makikita ‘yung solar eclipse,” sey ni Mendoza.
Ang susunod na total solar eclipse sa Pilipinas ay magaganap sa April 20, 2042 at ‘yan ay magiging “visible” na o makikita sa Legazpi City.
Baka Bet Mo: Slater Young naka-save ng P16k kada buwan sa binabayarang kuryente, anyare?
Recently, kumakalat sa social media ang mga usap-usapang marami ang takot na takot tuwing solar eclipse dahil napapalibutan ito ng iba’t ibang paniniwala.
Isa na riyan ang conspiracy theory na “end of the world” na kaya ito nangyayari.
May mga nagsasabi naman na hindi pwedeng lumabas ang mga buntis at mga bata habang solar eclipse dahil ito ay magbibigay ng kamalasan sa kanila.
May mga pamahiin din na ang eclipse ay sanhi ng isang mythical creature na kung tawagin ay “Bakunawa,” isang parang ahas na water dragon.
Ngunit nilinaw ni Mendoza sa panayam with Kapamilya network na walang scientific basis ang mga paniniwala ng ilang Pinoy dahil matagal naman nang nangyayari ang eclipse.
Ayon pa sa astronomer, ang solar eclipse ay masisilayan apat na beses sa isang taon.