JAKE baliw na baliw: Gusto ko talagang alagaan si JESSY!


UNAFFECTED si Jake Cuenca sa tsismis na mag-on na sina Sam Milby at ang nililigawan niyang si Jessy Mendiola. Naniniwala si Jake na hindi pa magkarelasyon ang dalawa.

Although, hindi naman daw siya nagtatanong kay Jessy na kasama niya sa set ng teleserye nila sa ABS-CBN kung ano na ang balita sa kanila ni Sam.

“Saka magkaibigan naman talaga kami ni Sam at ayaw kong masira ‘yun. Ginagawa ko lang din naman kung ano ‘yung nararamdaman ko. At sa nararamdaman ko gusto ko talagang alagaan si Jessy,” pahayag  ni Jake.

Tingin naman ng ilang showbiz observers, mas lamang siya kay Sam sa panliligaw kay Jessy dahil magkasama sila sa isang show.

“Hindi naman,” sabi ni Jake. “Sinabi ko naman na may the best man win. Kung doon naman masaya si Jessy, at the end of the day, matatanggap ko naman ‘yun, e.

Kasi ako sa ngayon hindi naman ako nagmamadali. Kasi parang this time around, lalo na kung si Jessy din ang magiging girlfriend ko gusto ko sigurado ako at gusto kong  maalagaan ko siya ng tama.

At hindi ko na kinukwestyon na ‘di ba kung kaya ko na in the long run.” Natutuwa naman daw si Jessy na very vocal siya sa pagkakagusto sa female star, “Niloloko kami sa set ng lahat ng tao, haha.

Parang natural tuloy ‘yung mga eksena naming kasipareho kaming kinikilig-kilig. Niloloko kami ni Direk.” Syempre, super regalo si Jake kay Jessy, “Nireregulahan ko si Jessy.

Pero siya na ang bahalang magsabi kung anu-ano ‘yun. Basta hindi ko pinipigilan ang sarili ko every time may nakita ako na magugustuhan ni Jessy.

Tulad nu’ng nagpunta ako sa States, may nakita ako na katulad ng boots ko na alam ko na gusto niya rin, binilhan ko siya,” kwento ni Jake.

Mabilis namang sinabi ni Jake na hindi niya nakalimutang humingi ng “sukli” kay Jessy pagbigay niya ng sapatos. May kasabihan kasi na kapag nagbigay ka ng sapatos, kailangan bigyan ka ng barya ng taong binigyan mo.

Kung hindi, magtatapakan daw sila sa isa’t isa.  “Hindi ko tatapakan ang pagkatao niya,” diin ni Jake.

( Photo credit to Google )

Read more...