Arci Muñoz ibinida ang tattoo sa kamay na simbolo ng pagmamahal sa Diyos

Arci Muñoz ibinida ang tattoo sa kamay na simbolo ng pagmamahal sa Diyos

PHOTO: Instagram/@ramonathornes

KASABAY ng Easter Sunday o Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, proud na plinex ni Arci Muñoz ang kanyang pagmamahal sa Diyos.

Sa Instagram, ibinandera ni Arci ang picture ng kanyang dalawang tattoo sa magkabilang kamay.

Makikita ang isang tattoo ng “infinity” at ang isa naman ay isang rosas na may korteng krus.

Ayon sa actress, ang tawag niya diyan ay “infinity rose cross” na sumisimbolo sa kanyang “infinite love for jesus that will bloom forever.”

Ibinunyag din niya na isang linggo siyang hindi gumamit ng social media bilang parte ng kanyang panata nitong nagdaang Semana Santa.

Baka Bet Mo: Arci Muñoz aminadong nabaliw sa BTS, natulog sa kalsada ng Korea: ‘Wala na akong pera kaya kailangan ko nang magtrabaho’

“Again my heart is full o Lord. And as I continue to walk through my everyday life. I will and always be grateful for everything you bestowed upon me Lord God,” sey niya sa IG caption.

Mensahe pa niya sa madalang pipol, “Today let’s take time to rejoice and be thankful for the gift of life, Love and Joy! Happy easter to all! [sunrise emoji]”

Base sa social media posts ni Arci, siya ay kasalukuyang nasa Japan para sa kanyang solo trip.

“What does travelling alone teach you? You get the chance to reinvent yourself as a person [happy face emoji],” caption niya sa latest IG post.

Paliwanag niya, “Being away from everything you know and the things that are socially dictated, you get this new given sense of freedom.”

“You can focus on your happiness, building your own identity, and your world-conception,” ani pa ng aktres.

Samantala, ang Easter Sunday ay ang huling araw ng Semana Santa kung saan ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang muling pagkabuhay ni Hesukristo pagkatapos ng kanyang pagdurusa at kamatayan sa krus.

Read more...