Kakai thankful sa ‘friendship’ nila ni Kathryn: ‘It’s a blessing from God’

Kakai thankful sa 'friendship' nila ni Kathryn: 'It's a blessing from God'

PHOTO: Screngrab from Instagram/@ilovekaye

MUKHANG may hangover pa ang actress-comedienne na si Kakai Bautista sa bonggang birthday party ng Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.

Sa Instagram, ibinandera ni Kakai ang masasayang moments sa pagdiriwang ng kaarawan ni Kathryn na ginanap noong March 26 sa Isla Amara sa Palawan.

Kabilang na riyan ang ilang pictures ng komedyana kasama ang co-stars sa 2019 hit na “Hello, Love, Goodbye” na sina Maymay Entrata, Lovely Abella, at Alden Richards.

Pati na rin ang ilang videos na kuha bago at habang ginaganap ang yacht party.

“A low maintenance friendship is a blessing from God,” sey ng komedyana sa IG post.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo ayaw marinig ang name ni Daniel, true kaya?

Patuloy niya, “Maraming Salamat Lord at andito padin kame. Parang walang panahon na lumipas kapag nagsasama-sama. Ganito padin kami. *Insert Joross and kuya Jeff [blue heart emoji].”

Birthday wish niya sa kaibigang aktres, “Lord, Ang prayer namin sa aming katreng, bai, My ga at Chandria naway lagi mo siyang gabayan at yakapin dahil kahit maraming nagmamahal sa kanya, mas mananaig ang pag-ibig mo [white heart emoji.”

 “It will keep her going and growing [white heart, folded hands emojis],” wika pa niya.

Ani pa niya kay Kathryn, “We Love you Katreng to the moon and back [white heart emoji]. Your existence is a gift [white heart emoji].”

Maaalala noong March 28 nang ibinandera ni Kathryn ang napakasaya niyang selebrasyon kasama ang pamilya, mga kaibigan at ilang artista.

Sey niya kalakip ang isang IG reel na ipinapakita ang highlights ng 28th birthday, “[I’m] keeping these moments in my core memory forever.”

“Thank you for making this my happiest birthday to date,” ani pa niya sa post.

Maliban sa mga nabanggit, present din sa kanyang kaarawan sina Robi Domingo, Jericho Rosales, Joshua Garcia, at marami pang iba.

Ang Isla Amara ay pag-aari rin ng aktres kasama si Piolo Pascual.

Read more...