Jennylyn ‘sumemplang’ sa big bike, iniligtas ng kumpletong gear

Jennylyn ‘sumemplang’ sa big bike, iniligtas ng kumpletong gear

PHOTO: Instagram/@mercadojenny

NAAKSIDENTE ang aktres na si Jennylyn Mercado!

Ayon sa aktres sa naging panayam with “24 Oras,” nahulog siya habang nakasakay sa kanyang big bike.

Pero tiniyak naman niya sa fans na hindi siya nasaktan dahil kumpleto ang suot niyang protective gears.

Ayon kay Jennylyn, madulas kasi ang kalsada kaya siya sumemplang sa motor.

“‘Yung ulo ko tumama sa floor, pero safe pa rin ako dahil naka-helmet ako, naka-gears ako—complete ‘yung gear ko at protected ‘yung buong katawan ko,” paliwanag ng aktres.

Baka Bet Mo: Balitang naaksidente si Michelle Dee sa El Salvador fake news: ‘Don’t believe it! We’re all good!’

Dagdag pa niya, “I’m very thankful na walang major na nangyari sa akin.” 

Nakwento naman ng mister ng aktres na si Dennis Trillo na nandoon siya nang mangyari ang aksidente at inamin na nagulat siya sa kanyang nasaksihan.

“Kitang-kita ko e. Nasa harapan ko kasi siya. Tinitingnan ko siya habang nangyari ‘yun,” chika ni Dennis sa TV interview.

Ani pa ng aktor, “Nakakabigla dahil first time namin maaksidente sa kalsada talaga.”

Kamakailan lang, masayang ibinandera ng mag-asawa ang kanilang upcoming  reunion movie makalipas ang 14 years.

Magtatambal sina Jennylyn at Dennis sa Philippine adaptation romantic comedy film na “Everything About My Wife” na tungkol sa isang couple na laging nag-aaway.

Tampok din sa pelikula ang aktor na si Sam Milby.

“Maraming makakarelate dito. Masaya ‘yung treatment niya, maganda ‘yung pagka-adapt niya with the Filipino twist,” kwento ng aktor sa isang interview.

Chika pa niya, “Nung umpisa, medyo nangangapa ako dahil hindi ako sanay gumawa ng mga light na projects. Syempre sinusuportahan naman ako ng asawa ko—Queen of Rom-Com.”

Ang upcoming movie ang kauna-unahang proyekto ng mag-asawa matapos ikasal noong 2021.

Huli silang nagsama sa historical-drama film na “Rosario” noong 2010 at anthology series na “I Can See You: Truly, Madly, Deadly” noong 2020.

Read more...