Jennylyn, Dennis excited na sa bagong movie together after 14 years

Jennylyn, Dennis excited na sa bagong movie together after 14 years

PHOTO: Instagram/@dennistrillo

SABIK na sabik na ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa reunion movie nila together!

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Dennis ang video nila ni Jennylyn na super sweet sa isa’t-isa.

Makikita ang video text na ang nakalagay: “May bagong movie kami!!! Yeah hey!” pati na rin ang titulo ng upcoming project nila na “Everything About My Wife.”

Nabanggit din ng aktor sa caption na mahigit isang dekada na mula nang huli sila nagkasama ng misis sa isang pelikula.

“Gagawa kami ng movie ng asawa ko after 14 years! [camera emoji],” wika ni Dennis sa post.

Baka Bet Mo: Jennylyn, Dennis umamin…nag-aaway din: Pero hindi kami nagsisigawan

Sa comment section, maraming netizens at fans ang looking forward na sa pagtatambalan nilang pelikula.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Aside sa DongYan, Ito ‘yung couple na maganda ang samahan and talented”

“Aside from Dantes Family, I also admire you as couples, Mr. Dennis and Ms. Jen [red heart emojis].”

“Ang sweet naman ang lambing talaga ni Jen, swerte mo Dennis. Waiting & excited na kami sa movie niyo!!”

“Excited na po ako! tagal ko ‘tong hinintay goodluck DenJen, Sana din magka-concert ulit kayo…God bless you both and your family…[red heart emojis]”

Kung matatandaan, unang inanunsyo ng mag-asawa ang nasabing proyekto nang ma-interview sila ng “24 Oras.”

“Maraming makaka-relate dito. Masaya ‘yung treatment niya, maganda ‘yung pagka-adapt niya with the Filipino twist,” kwento ng aktor.

Dagdag pa niya, “Nung umpisa, medyo nangangapa ako dahil hindi ako sanay gumawa ng mga light na projects. Syempre sinusuportahan naman ako ng asawa ko—Queen of Rom-Com.”

Ang romantic comedy film na “Everything About My Wife” ay ang Philippine adaptation mula sa Argentinian film na tungkol sa isang couple na laging nag-aaway.

Maliban sa dalawa, bibida rin ang aktor na si Sam Milby.

Ang upcoming movie ang kauna-unahang proyekto nina Jennylyn at Dennis together matapos ikasal noong 2021.

Huli silang nagsama sa historical-drama film na “Rosario” noong 2010 at anthology series na “I Can See You: Trulu, Madly, Deadly” noong 2020.

Read more...