Jinggoy wala na sa Pinas


LUMIPAD kahapon patungong US si Senador Jose “Jinggoy” Estrada sa kabila ng rekomendasyon ng Department of Justice na kanselahin ang kanyang pasaporte kaugnay sa pork barrel scam.

Sumakay si Estrada ang kanyang asawang si Precy sa Cathay Pacific Air flight CX 906 patungong Hong Kong bago mananghali kahapon at mula doon ay lilipad papunta ng San Francisco, California.

“Yes he left earlier,” ayon sa tauhan ni Estrada sa isang text message. Sinabi ni Estrada na babalik siya sa bansa bago magsimula ang sesyon ng Senado sa Nob. 17.

Matatandaang naiulat na magtutungo si Estrada sa US upang samahan ang asawa upang humingi ng ikalawang opinyon mula sa mga doktor doon ukol sa bukol sa dibdib ni Precy.

Noong Oktubre 24, hiniling ng DOJ sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang mga pasaporte ni Estrada, mga kapwa senador na sina Juan “Ponce” Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr. at iba pang sangkot sa the pork barrel scam.

Pero sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima noong Lunes na walang makapipigil kay Estrada na lumabas ng bansa dahil wala pang aksyon ang DFA sa kanilang hiling.

Nahaharap si Estrada sa kasong plunder at malversation kasama ang 38 iba pa na iniuugnay kay Janet Lim-Napoles, ang umano’y utak sa P10 bilyon pork barrel scam.

( Photo credit to INS )

Read more...