PUMANAW na ang renowned astrologer na si Zenaida Seva ayon sa malapit nitong kaibigan na si Jessica Zafra.
Sa kanyang series of Instagram stories ay ibinahagi ni Jessica na nakatanggap siya ng text message mula sa number ng kaibigan na nagsasabing pumanaw na ang astrologer.
“Zenaida was my wise friend and movie buddy in the ’90s and early ’00s. We would watch the last full show then have a meal to discuss it. She was a true eccentric and she never apologized for it,” pagbabahagi ni Jessica.
Aniya, ang astrologer anc nagturo sa kanya na ang lahat ay magkakaugnay.
Kuwento pa ni Jessica, “I am on the fence about astrology, but let me tell you: Zenaida was always right. She taught me that everything was connected. If you knew her or watched her every morning on tv for the day’s horoscope, take a moment to remember her today.”
Baka Bet Mo: ‘Dragon Ball’ creator Akira Toriyama, pumanaw sa edad na 68
Chika pa ng writer, pinagbawalan siya ni Zenaida na huwag magkwento tungkol aa kanya ngunit dahil inaalala niya ang kaibigan ay magkukuwento siya.
“She said there were too many charlatans out there, and a true astrologer only needed your exact birth details (day, time, place), pencil and paper, and an ephemeris (a book with tables of astronomical objects, positions, trajectories) to tell you the story of your life.
“Later she acknowledged that astrology software made the math easier (She could put away her slide rule), but interpreting the data required studying the interactions of 2,000 factors,” sabi pa ni Jessica ukol kay Zenaida.
Aniya, ayaw raw niya na sa tuwing makikita siya ng mga tao at makikilala ay tatanungin siya kung ano ang kanilang future.
Ang laging sagot raw ni Zenaida ay, “”Hindi ako manghuhula.”
Lahad pa niya, noong una raw niyang nabasa ang kanyang chart ay sinabi nito na nagkaroon siya ng head injury ng 8 at hindi ito magkakaroon ng isa pang head-related issue sa loob ng 40 years.
Nagulat siya na alam niya ito dahil wala naman alam si Zenaida sa kanyang nakaraan.
“Yes, I had a skull fracture from a fall when I was o, and exactly 40 years later I had water intoxication/ hyponatremia which caused brain swelling. She knew things,” sey pa ni Jessica.
Si Zenaida ay isa sa mga mainstay sa Kapamilya morning show na “Umagang Kay Ganda” kung saan nagbabahagi siya ng astrological forecast araw-araw.
Nakilala siya sa kanyang famous quote na “Hindi hawak ng bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Mayroon tayong free will; gamitin natin.”
Ayon pa sa post ni Jessica, magaganap ang burol ni Zenaida sa Chapel C ng Mortuary Chapels of Christ the King Parish sa Greenmeadows Avenue, Quezon City.
Magsisimula ang viewing sa Biyernes, March 22, 12pm hanggang sa Linggo, March 24 ng 10:30pm.