SAM: Dapat mag-aral pa ng Tagalog para hindi na lang laging balikbayan o mayaman ang role ko!


KAILANGANG mas hasain pa ni Sam Milby ang kanyang Tagalog para mas marami pa siyang magawang makabuluhang at challenging na proyekto in the future.

Mismong ang Kapamilya leading man na ang nagsabi na isa sa mga humahadlang sa kanya para makagawa ng mas malalalim at mas malalawak na role ay dahil hindi pa rin gaanong perfect ang kanyang Tagalog.

Ayaw naman kasi niya na puro “stereotyped with balikbayan roles” ang tatanggapin niya, “I’m going to focus pa rin in acting but ‘yun nga I’m just still growing with the craft lalo na pagtagalog importante talaga na magiging dalubhasa na ako sa Tagalog if I want to.

Hindi naman pwedeng balikbayan roles lagi. “Hindi naman pwedeng slang na Tagalog kaya importante talaga sa akin na maging perfect ‘yung Tagalog ko para pwede akong gumanap ng iba’t-ibang roles na hindi magiging sagabal sa acting,” aniya sa isang interview sa ABS-CBN.

Sa mga susunod daw niyang proyekto, inaasahan niya na may bago na naman siyang io-offer sa mga manonood. “I think the next role pagdating sa teleserye is very important to me.

I got good comments for my last role. For me, it’s choosing the right roles which are challenging for me and pushing myself more. I’m not getting any younger.

“I’m still young but in a business where it is a young market, you got to try different roles, you have to try different characters. That’s what I want to do. I want to challenge myself more in terms of roles and acting,” paliwanag niya.

Bukod sa akting, gusto pa rin ni Sam na ipagpatuloy ang kanyang singing career, “Right now sobrang passionate ako sa music kaya I bring my guitar everywhere, sa shooting, sa taping, I bring my guitar all the time.

I have so much passion for music right now. I want to do music more again eh. I think early next year may album. uli”
Hirit pa ng aktor, “In terms of longevity I think it’s a big factor when you can do music at the same time because you can always perform, you can always do shows abroad, you can do concerts and that really helps.”

( Photo credti to Google )

Read more...