#JusticeForKillua: Celebs nanawagan para sa asong pinatay

#JusticeForKillua: Celebs nanawagan sa pinatay na aso sa Camarines Norte

Killua

LABIS na nabahala ang mga netizens at animal lovers sa naging brutal na pagpatay sa aso mula sa Bato, Camarines Sur na si Killua.

Viral ngayon ang post ng may-ari ng Golden Retriever dog matapos nilang matagpuan na duguan at walang buhay ang alaga sa loob ng sako.

“Mahal na mahal ko ‘yan. We found his lifeless body inside a sack. #JusticeForKillua,” saad ng furparent at may-ari kay Killua na si Rachelle.

Nag-post rin ito ng video na kuha mula sa CCTV footage kung saan makikita ang isang lalaki na pinapalo ang kanilang aso nang paulit-ulit habang hinahabol ito.

Isang Facebook page na nagngangalang “Anthony Solares” ang naglabas na statement ukol sa pagkamatay ni Killua at sinabing, “Huwag mong idaan sa post na hindi mo sinasabi ang buong kwento. Nakakawala ang imo aso at aatakihin ang aking anak. Lahat ng magulang ay maiintindihan ang ginawa ko. Maraming nakakita kaya’t ginawa ko lang ang dapat kong gawin upang depensahan ang aking komunidad.”

Baka Bet Mo: 4th Impact binura na ang fundraising para sa ‘farm’ ng 200 aso

Nilinaw naman ni Rachelle na naka-lock ang kanilang pinto at malamang nakalabas ang aso nang akyatin ang kanilang gate.

“We don’t exactly know what happened. He was probably anxious and stressed, hindi siya sanay sa labas kasi sa loob lang ‘yan ng bahay palagi. Kaya, no, hindi namin binuksan yung pinto kaya nakalabas,” sagot ng may-ari kay Killua.

Pagpapatuloy niya,”And if nangagat man, it is not enough reason to kill my pet. He was asking for apology, but no sorry could ever replace my baby. He was loved by everyone, and he loves us the same.”

CELEBRITIES NAKIISA SA #JUSTICEFORKILLUA

Marami rin sa mga celebrities ang nag-react at nakiisa sa panawagan na magkaroon ng hustisya sa hindi makatarungang pagpatay kay Killua.

Ilan na rito sina Sarah Geronimo, Chie Filomeno, Carla Abellana, at Kim Atienza.

Saad ni Sarah, “This news is extremely heartbreaking. Walang kalaban-laban ‘yung aso. Katulad nating mga tao, nakakaramdam din sila ng takot at sakit.

“Then, again, one time we were out for the

Every life deserves respect and protection. It’s time to demand accountability and raise our voices against animal cruelty, Let’s unite in being the voice for the voiceless. Killua.. we will fight for you.”

Sey naman ni Chie Filomeno, “I just saw everything… Nadurog ang puso ko.. #JusticeForKillua.”

Maging si Carla Abellana ay nadurog ang puso sa nabalitaang marahas na pagpatay kay Killua.

“Here’s one thing most of you probably don’t realize: this happens all the time and everywhere in our country. There are so much more Killuas out there, especially those with no breed. Let’s pray for them too,” sey ni Carla.

Dagdag pa niya, “Justice will be given for Killua soon, you’ll see.”

Para naman sa Kapuso host na si Kim Atienza, ang Golden Retrievers ang pinaka-safe na aso na pwedeng iwan kasama ng mga bata.

“Golden retrievers are the most gentle of dog breeds. The perpetrator’s claim that Killua was attacking his family is highly unlikely.

“Dog cruelty happens more often than we think, lalo na sa Aspin. Rest well Killua,” sey ni Kuya Kim.

Sinabi naman ni Rachelle na may nakausap na sila sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ukol sa pagsasampa ng kaso laban sa lalaking pumatay sa kanilang alaga.

“Maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta kay Killua para sa laban na ito at sa lahat po ng nag aabot ng tulong. Killua is probably happy na madaming nagmamahal sa kanya aside from his family,” sey ni Rachelle.

Read more...