Promise ni Gabby kay Jaclyn, hindi pababayaan ang naulilang pamilya

Promise ni Gabby kay Jaclyn, hindi pababayaan ang naulilang pamilya

NAGBITIW ng pangako ang Kapuso seasoned actor na si Gabby Eigenmann matapos maihatid sa kanyang huling hantungan ang namayapang aktres na si Jaclyn Jose.

Idinaan ni Gabby ang kanyang madamdaming mensahe para kay Jaclyn sa Instagram kalakip ang litratong ginamit sa burol ng aktres at ang picture ni Andi Eigenmann kasama ang mga anak at kapatid na si Gwen Guck.

Sa mga hindi pa aware, si Gabby ay anak ng dating karelasyon ni Jaclyn na si Mark Gil sa ibang babae. Magkapatid sa ama sina Gabby at Andi.

Narito ang emosyonal na caption ni Gabby sa kanyang IG post: “Wag ka na magalala Tita Jane ako na ang gagabay sa kanila… Mananatili ka sa puso namin at lagi kong ipapadama sa kanila kung gaano mo sila minahal ng lubos.

“Mahal kita Tita Jane at ako’y nagpapasalamat dahil nadama ko din ang pagmamahal mo sa akin at sa aking pamilya…

“May ngiti na sa aking mukha dahil alam ko na mas masaya ka na sa piling ni God kasama si Daddy at Tita Cherie. Salamat uli sa lahat lahat..Cheers Love You!”

Baka Bet Mo: Gabby Eigenmann tiniyak na never ipaparamdam kay Andi ang pagiging ulila

 

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga mensahe ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Jaclyn at halos lahat ay pumupuri kay Gabby dahil sa ipinakita niyang pagmamahal at suporta kay Andi at sa mga anak nito.

“Grabe talaga ang eigemann family, sila talaga nagpatunay ng FAMILY IS LOVE.”

“Sa ginagawa ni Gabby…lalo ko siyang hinangaan.”

“Sir Gabby thank you, apaka solid mong kapatid ni Andi mabait caring at mapag mahal since day 1 lage ka andiyan for Andi at sa fam niya. Grabe lang yung support system mo sa kanya at ng Eigenmann Fam.”

“Yung mabibigat madaling gumagaan kapag ganitong klaseng pamilya ang meron tayo. Maraming salamat sa inspirasyon, tunay na modelo talaga ang family nyo. Ang isang bagay talaga nagiging perpekto , nagiging kumpleto pag may love.”

“Your dad, tita Jane and Cherie were all very wonderful people who were very generous and passionate with their art. They were kind to me and to a lot of people. Rest in power.”

“Pinahanga ako ng pamilya Eigenmann, tunay na pagmamahal.”

Read more...