HOROSCOPE NOVEMBER 03, 2013

Para sa may kaarawan ngayon:  Magtiwala sayong sarili! Tandaang “Ang taong buo ang loob, ang yaman ay lubos!” Sa pag-ibig, paligayahin ng husto ang kasuyo, pag di mo nagawa yan, cge ka baka palitan ka nya? Mapalad ang 2, 17, 28, 34, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Aum-Govinda.” Green at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) –   Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin! Habang nagpapakabuti ka, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Sagittarius may magandang kapalarang kang makukuha sa kanya. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –   Hindi dapat magtiwala sa mga taong madadaldal! Mara-racket ka na naman. Sa pinansyal, isipin ng 10 beses bago maglabas ng salapi. Sa pag-ibig, pagbawalan ang kasuyo na makipag-transaksyon sa isang pandak na mataba. Mapalad ang 3, 15, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Orange at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –   Iwasang mamintas! Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa pag-ibig, magiging maligaya ang relasyon sa kasuyong Libra habang lagi ka lang nakatahimik. Mapalad ang 9, 12, 23, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Om-Atram,” Silver at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –   Malayo man ang mahal sa buhay, hindi dapat paalipin sa kalungkutan! Sa pagtiis, malaking pag-unlad ang kapalit. Sa pag-ibig, iwasang gumawa ng ka-imoralan upang magtuloy-tuloy ang  suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Upanisad-Aum-Jiva.” Red at beige ang buenas.

 Leo – (July 23 – August 22) –         Ano ang halaga ng salapi kung lagi ka namang nanlalamang sa iyong kapwa? Sa pag-ibig, kung paano mo dinadaya ang iyong kapwa, ganon ka rin dadalayin ng iyong kasuyo. Maging tapat upang lalo pang bumuti ang kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 23, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –   Paparating na ang suwerte! Sa pinansyal, sunggaban ang pagkakakitaang inaalok ng isang Capricorn. Sa pag-ibig, wag ng ipagpaliban pa ang magagawa ngayon – romansahin ang kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Gohan-Rama.” Blue at silver ang buenas.
 Libra – (September 23-October 23) –   Elementong hangin ang namamayani sa Libra, kaya hindi mo ba napapansin minsan ay “mahangin” o mayabang ka? Sa pagpapakumbaba  mas maraming biyayang matatanggap at mas magiging maligaya ang pakikipag-relasyon mo sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om.” Violet at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –    Sa susunod na mga araw, maraming kakaibang suwerteng darating. Unti-unti na kasing lumalaki ang buwan sa langit. Kapag nag-full moon, sa November 17 mas maraming biyaya ang iyong matatangap. Mapalad ang 2, 7, 20, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilan-Om-Bastan.”  Green at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –    Sa pinansyal tatabo ka ng malaking halaga sa mga produktong may kaugnayan sa kapaskuhan at modernong teknolohiya. Sa pag-ibig, sa isang uniformadong nilalang, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –    Wag apurahin ang tagumpay, kusang darating yan! Paghandaan ang pagpasok ng 2014, sobrang dami ng mga biyayang matatanggap. Sa pag-ibig, sa taon ding 2014, iinit ng husto ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om-Agara.” Silver at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –   Wag mapagod sa paghihintay. Kung walang dumating ngayong panahong ito umasa kang sa susunod na buwan ng Disyembre gaganda na ang kapalaran sa pag-ibig at aspetong pang-pinansyal. Mapalad 7, 16, 23, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jhana-Om-Nama.” Red at green ang buenas.
 Pisces – (February 19 – March 20) –    Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Sa sandaling nalusutan ang kasalukuyang problema giginhawa ka na rin! Sa susunod na buwan, unti-unti na uling dadami ang pera. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong sumpungin kaysa mag-away na naman kayo. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” White at beige ang buenas.

Read more...