Miss World Botswana Lesego Chombo nagpaalala: Please be kinder

Miss World Botswana Lesego Chombo nagpaalala: Please be kinder

Miss World Botswana Lesego Chombo

NAKIUSAP ang kandidata ng Miss World Botswana na si Lesego Chombo na itigil na ang pambabatikos sa kapwa beauty queens na sina Megan Young at Krystyna Pyszko.

Matatandaang marami ang naimbyerna kay Miss World 2013 Megan Young matapos ang ginawa nitong pag-aayos ng kanyang buhok.

Ang naturang pag-aayos pala kasi ni Megan sa buhok ni Miss World Botswana ay may malalim na kahulugan pala sa kanilang kultura.

Dahil rito ay may mga nagsasabing nagdala ito ng “bad luck” o “kulam” kaya raw minalas at naunsyami ang pagsungkit ni Chombo ng korona at sa halip ay ang representative ng Czech Republic na si Pyszkova ang nanalo sa kompetisyon.

Sey ni Miss World Botswana, naiintindihan niya raw kung saan nanggagaling ang kanyang mga kababayan at naa-appreciate niya ang mga ito pero hindi naman daw tama na batikusin ng mga ito at sabihing hindi deserving si Krystyna sa crown at ang kanyang pagkatalo ay kasalanan ni Megan.

“Batho bame, I appreciate that you are all looking out for me, but it really doesn’t make me feel good when you bring other people down in my name or for my sake.

Baka Bet Mo: Megan Young nag-sorry matapos putaktihin ng mga taga-Africa, anyare?

“Please be kinder, please [heart emoji] to Krystyna, to Megan, be kinder,” saad ni Miss World Botswana Lesego Chombo.

Sa hiwalay na Facebook post ay binati naman niya ang bagong itinanghal na Miss World.

“Congratulations to the 71st Miss World, Krystyna Pyszko [emoji] I wish you a life changing and impactful reign as you represent all the 121 ladies who joined you on that stage last night,” sey ni Chombo.

Samantala, nauna naman nang humingi ng paumanhin si Megan sa ginawa niyang pag-aayos ng buhok ng dalaga at nakapag-usap na rin sila privately.

“Last night during the final, I fixed Lesego Chombo’s (Miss Botswana) hair on stage. I wanted to offer a helping hand but I failed to oversee the bigger picture. This [could] have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable,” saad ni Megan.

Pagpapatuloy niya, “We have spoken privately last night at the hotel and I have apologized to Lesego in private.”

Humingi rin ng tawad si Megan sa lahat ng mga naapektuhan sa kanyang ginawa

“To those who witnessed the incident, I also want to apologize for any discomfort or confusion my actions may have caused. It was a thoughtless and disrespectful act, and I take full responsibility for it.

“I assure you that it was not my intention to invade personal space or make anyone feel uncomfortable. I deeply regret my actions and will strive to be more mindful and respectful in the future,” sey pa niya.

Read more...