Kelot dedo sa Halloween sex

NASAWI ang isang lalaki matapos umanong atakihin sa puso sa loob ng motel na tinuluyan niya at ng kanyang nobya sa Batangas City kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa si Eduardo Asi, 41, sa Golden Gate General Hospital, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-check in si Asi at kanyang nobya sa Quiño Motel ng Brgy. 9 alas-2:40 at nagtagal doon ng limang oras.

Habang palabas na alas-7:40 ay bigla na lang sumakit ang dibdib ni Asi kaya isinugod ng nobya at roomboy sa ospital.

Read more...