Payo ni Jake bilang batang ama: Kung hindi kayo ready, ‘wag n’yong gawin

Payo ni Jake bilang batang ama: Kung hindi kayo ready, 'wag n'yong gawin

Jake Ejercito at Ellie Ejercito

PINATOTOHANAN ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito na hindi talaga madali ang maging batang ama, lalo na sa mga panahon ngayon.

Mukha lang daw madali, ngunit matitinding challenges ang kailangang harapin at labanan ng isang taong nagkaroon ng anak sa murang edad.

Sa panayam kay Jake ng “Ogie Diaz Inspires”, natalakay nga ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan bilang tatay ni Ellie, ang anak nila ng dating karelasyon na si Andi Eigenmann.

Isa sa mga questions ni Papa O sa aktor na napapanood na rin ngayon sa “Can’t Buy Me Love” series ng ABS-CBN, kung kumusta siya bilang tatay kay Ellie.

Baka Bet Mo: Ken laging may kasamang psychiatrist sa taping: Alam kong hindi magiging madali

Sabi ni Jake, bago raw pasukin ang pagiging ama, dapat handa sa lahat ng aspeto ng buhay — sa financial, mental at emosyonal na aspeto.

“It may look easy but it’s not. Make sure na ready ka, hindi lang financially, but mentally, emotionally.

“Kasi kung hindi ka ready, anong mangyayari du’n sa anak mo, ‘di ba? So kung hindi ka ready, huwag mong gawin,” ang punto ni Jake.


Malaking bagay din daw ang pagkakaroon ng support system sa buhay, lalo pa’t wala pa talaga sa plano niya noon ang magkaroon ng anak.

Nagpasalamat din si Jake sa pumanaw na nanay ni Andi na si Jaclyn Jose na isa sa mga nagturo at nagbigay ng guidance sa kanya kung paano mag-alaga ng anak.

Nabanggit din ni Jake sa panayam ni Papa O na parang magkuya lang ang relasyon nila ni Ellie dahil hindi nga nalalayo ang kanilang edad.

Read more...