Natalie Portman ‘divorced’ na sa asawang French choreographer

Natalie Portman ‘divorced’ na sa asawang French choreographer

PHOTO: Instagram/@natalieportman

MAKALIPAS ang 11 years, single na ulit ang sikat na Hollywood actress na si Natalie Portman.

Ayon sa isang source ng AFP na malapit sa Oscar-winning actress, kumpirmadong hiwalay na si Natalie sa kanyang mister na French choreographer na si Benjamin Millepied.

Magugunita na noong Hulyo ng nakaraang taon, nag-file for divorce ang aktres na ayon sa ulat ng People Magazine.

Kinumpirma rin ng source na ang divorce ng dalawa ay naisapinal noong nakaraang buwan sa France.

Taong 2009 nang unang magkakilala si Natalie at Benjamin sa set ng psychological horror film na “Black Swan” kung saan nagwagi siyang “Best Actress” sa Academy Award.

Baka Bet Mo: Brian Puspos ‘shookt’ pa rin nang makasayaw sa stage si BTS Jung Kook: Can’t wait for what’s to come!

Taong 2012 nang ikinasal sila sa California at biniyayaan ng dalawang anak na sina Aleph, 12, at Amalia, 7.

May last year naman nang kumalat ang chismis na may “affair” o ibang babae si Benjamin at never nagsalita tungkol dito ang dating mag-asawa.

Ang 42-year-old actress ay parehong US at Israeli citizen na isa sa top actresses ng Hollywood showbiz.

Una siyang nakilala bilang child star ng thriller film na “Leon: The Professional” at bumida na rin sa ilang blockbusters kagaya ng “Star Wars” at Marvel films.

Read more...