Krystyna Pyszková ng Czech Republic wagi sa 71st Miss World

Krystyna Pyszková ng Czech Republic wagi sa 71st Miss World

MATAGUMPAY na nasungkit na pambato ng Czech Republic na si Krystyna Pyszková ang korona sa naganap na 71st Miss World.

Nitong Sabado, March 9, ginanap ang coronation night sa Jio World Convention Center sa Mumba India kung saan tinalo niya ang iba pang 111 contestant mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Si Krystyna ang nagmana ng korona ng outgoing Miss World titleholder na si Karolina Bielawska ng Poland.

Para sa kaalaman ng lahat, ang bagong halal na Miss World ngayong taon ay ang pangalawang representative na nagwagi ng korona mula sa Czech Republic matapos ang kauna-unahang pagkapanalo ni Taťána Kuchařová noong 2006.

Baka Bet Mo: Miss World Top 40 pinangalanan na, Gwendolyne Fourniol laglag

Samantala, si Krystyna Pyszková ang magre-represent sa London-based pageant sa mga ganap at pagtitipon na aligned sa misyon ng Miss World.

Lilipad rin ang dalaga sa iba’t ibang bansa para gampanan ang kanyang duties bilang bagong titleholder ng prestihiyosong international pageant.

Si Yasmina Zaytoun naman ang itinanghal na 1st runner up ng edisyong ito ng Miss World na siyang continental winner para sa Asia and Oceania.

Samantala, maaga mang nagpaalam ang pambato ng Pilipinas na si Gwendolyne Fourniol sa beauty pageant ay nananatili namang proud ang mga Pilipino dahil ibinigay nito ang lahat ng kanyang makakaya para sa patimpalak.

Sa ngayon ay nananatiling si Megan Young pa rin ang nag-iisang Pinay candidate na nakasungkit ng Miss World crown noong 2013.

Isa ang Miss World sa elite “Big 4” na mga beauty pageants sa mundo kasama ng Miss Universe, Miss Earth, at Miss International.

Read more...