Jaclyn Jose naka-experience ng ‘deadly love’: ‘It was very, very scary!’

Jaclyn Jose nakaranas din ng 'deadly love': 'It was very, very scary!'

Jaclyn Jose, Andi Eigenmann at Gabby Eigenmann

KUNG may isang artistang matapang, palaban at walang inuurungang tanong kapag may presscon, yan ay walang iba kundi ang namayapang veteran star na si Jaclyn Jose.

Siguradong maraming makukuhang pang-headline ang mga entertainment editor at reporter sa award-winning actress once na humarap na ito sa presscon at iba pang showbiz events.

Diretso at walang paliguy-ligoy kung sumagot sa mga tanong si Jaclyn pero hindi mo siya matatawag na taklesa dahil marespeto pa rin niyang naitatawid ang kanyang mga sagot sa maiintriga at kontrobersyal na tanong.


Tulad na lang ng minsan namin siyang makachikahan kasama ang ilang piling showbiz reporter sa isang presscon para sa ginawa niyang digital series para sa  Viva Entertainment.

Baka Bet Mo: Lolit hinamon si Pangulong Duterte: I-reveal na yan… huwag itago!

May kaugnayan ang tanong sa titulo ng naturang serye na “Deadly Love” — nakaranas na ba siya ever sa buhay niya ng “deadly” o “toxic” relationship?

“Yes” ang diretsahang sagot ng namayapang aktres pero hindi na niya ito idinetalye pa pero nangyari ito ilang taon na ngayon ang nakararaan. Inilarawan niya bilang “matter of life and death” situation.

“It was a scary chapter in my life. Deadly love talaga. But it’s all done now. Maraming panahon na ang nakalipas. And I have already recovered from that. It was very, very scary. I had to escape,” pagbabahagi ng nanay ni Andi Eigenmann.

Nagbigay pa nga si Jaclyn ng mensahe at payo sa lahat ng mga nakararanas ng toxic relationship o “deadly love”.

“Just trust your gut. You will feel it when things are headed that way. It’s impossible that you don’t… unless you’re in denial. Your first hunch—that’s it.

“Get out as soon as possible, regardless of how in love you are with the person,” ang warning pa niya sa lahat ng mga nagmamahal at nagpapakamartir sa pag-ibig.

Nagluluksa ngayon ang showbiz industry sa biglaang pagkamatay ni Jaclyn nitong Sabado, March 2, dahil sa heart attack. Siya ay 60 years old.


Humarap kamakailan sa media ang panganay ni Jaclyn na si Andi na kasama ang kuya niyang si Gabby Eigenmann na umaalalay sa kanya.

Baka Bet Mo: Yassi ipinagdarasal ang ‘paggaling’ ng Pinas; Dennis, Jennylyn nasa 2nd spot ng Netflix PH

Aniya, “At the age of 60 on the morning of March 2, 2024 due to myocardial infarction or heart attack. We’d like to thank everyone who was send extended prayers and condolences to us.”

Humiling din si Andi ng kapribaduhang hayaan silang magluksa at higit sa lahat sana ay matigil na ang mga haka-haka kung ano ang ikinamatay ng kanyang ina.

“Just like to say that her undeniable legacy will definitely forever live on through her work, through her children, through her grandchildren, and the many lives she’s touched.

“She herself, her life itself was her greatest obra maestra thank you,” umiiyak na sabi ni Andi at niyakap naman siya ng kuya niyang si Gabby Eigenmann at hinagkan sa ulo sabay nagpasalamat sa mga dumalo sa presscon.

Read more...