ANGEL, JERICHO ginulat ang mga pasahero ng MRT at LRT

TUWANG-TUWA ang mga commuter ng MRT at LRT kamakailan nang biglang tumambad sa kanila  sina Angel Locsin at Jericho Rosales.

Doon kasi kinunan ang ilang eksena nina Angel at Echo para sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN, ang The Legal Wife. Talagang tilian ang mga  sumasakay sa MRT at LRT nang makita nila ang bagong magka-loveteam habang pumapasok sa tren.
Sa pagkakaalam namin, naunang sumakay sa LRT ang dalawa bago lumipat ng MRT.

Sa Instagram account ni Echo namin nakita ang picture nila ni Angel kasama ang ilang mga pasahero na may caption na: “LRT fun with @therealangellocsin and manong #photobomber. Taping for the #Legalwife.”

Sa IG account naman ni Angel naka-post ang isa pang larawan kasama ang ilang commuters at ilang staff ng kanilang teleserye. Ayon sa aktres, panay-panay na ang taping nila para sa The Legal Wife dahil eere na ito anytime ngaong buwan.

Ayon sa isang source namin na nakakita kay Angel sa nasabing taping, wala silang nakitang bakas ng kalungkutan sa itsura nito, ang ganda-ganda raw pala ng aktres lalo na kapag walang masyadong make-up.

Feeling nila, naka-move on agad si Angel mula sa break-up nila ni Phil Younghusband.

Read more...