Korean star Song Kang sasabak na sa military service simula Abril

Korean star Song Kang sasabak na sa military service simula Abril

PHOTO: Instagram/@songkang_b

NAKATAKDANG simulan ng sikat na Korean star na si Song Kang ang kanyang mandatory military service sa susunod na buwan.

Ang balita ay kinumpirma mismo ng Korean media outlet na Soompi sa pamamagitan ng inilabas na pahayag ng talent agency ng aktor na Namoo Actors.

“We express deep gratitude to the fans who always show love for actor Song Kang, and this is a notice regarding Song Kang’s enlistment,” saad sa statement ng ahensya.

Dagdag pa, “Song Kang will be enlisting as an active duty soldier of the [Republic of Korea] Army on Tuesday, April 2.”

Nilinaw din ng talent management company na wala nang official event sa pagpasok ni Kang sa recruit training center at ang kanyang enlistment ay magiging pribado.

Baka Bet Mo: Alden hindi fan ng life flexing sa socmed: ‘Magpo-post kang may hawak na makakapal na bundle ng P1k tapos sasabihin mo inspiration?’

Ito raw ay para maiwasan ang anumang aksidente dahil sa kasikipan ng lugar.

“We ask for the warm love and support of many people in order for Song Kang to return in good health with greater maturity after diligently completing his mandatory service,” mensahe ng Namoo Actors.

Batas sa South Korea na ang lahat ng matipunong lalaki ng kanilang bansa na may edad 18 hanggang 28 ay obligadong maglingkod sa militar ng hindi bababa sa 18 na buwan.

Kung matatandaan, March last year nang bumisita ang Korean actor sa Pilipinas upang magsagawa ng fan meeting with Pinoy fans.

Diyan nagkaroon ng pagkakataon na sorpresahin ng mga Pinoy ang kanilang iniidolo sa pamamagitan ng isang video compilation.

Naiyak naman si Kang at na-touch sa inihanda para sa kanya.

“I really did not think I was going to cry. I am really surprised,” sey niya.

Aniya pa, “I am always thankful for all your support. I hope you can all be happy, and you can all be healthy. I am so honored.”

Read more...