SARI-SARING mga bagong pelikula ang showing na ngayon sa mga lokal na sinehan – mula sa mga kwento na hango sa tunay na buhay, nabuong friendship at katatakutan.
Kabilang na riyan ang biopic film na “Bob Marley: One Love,” critically acclaimed movie na “The Holdovers” at ang supernatural thriller na “Night Swim.”
Bob Marley: One Love
Silayan ang iniwang alaala at musika ng legendary reggae singer na si Bob Marley sa pelikula na hango sa kanyang buhay – ang “Bob Marley: One Love.”
Ang bida sa iconic musician ay ang British actor na si Kingsley Ben-Adir at ang gaganap naman bilang misis ni Bob na si Rita ay ang British actress na si Lashana Lynch.
Alam niyo ba na may basbas din mismo ng pamilyang Marley ang pagpapalabas ng “Bob Marley: One Love” dahil kasama sila sa nag-produce nito.
Baka Bet Mo: Pelikulang ‘Godzilla vs. Kong’ may follow-up film sa taong 2024
Sa katunayan nga, nangunguna ang pelikula sa opening day sa ilang bansa na kumita na ng estimated gross na $80 million o mahigit P4 billion.
Kabilang na riyan ang mga nanood sa North America, UK, New Zealand at Jamaica.
The Holdovers
Dinala na sa Pilipinas ang award-winning film na “The Holdovers” na umiikot ang istorya sa nabuong pagkakaibigan ng isang guro at estudyante.
Ayon sa direktor ng pelikula na si Alexander Payne, isa ito sa mga “most emotional movie” na kayang ginawa bilang filmmaker.
Heto ang synopsis na inilabas ng Universal Pictures:
“The Holdovers follows a grumpy instructor (Paul Giamatti) at a prestigious American school who is forced to remain on campus during Christmas break to babysit the handful of students with nowhere to go. Eventually he forms an unlikely bond with one of them – a damaged, brainy troublemaker (newcomer Dominic Sessa) – and with the school’s head cook, who has just lost a son in Vietnam (Da’Vine Joy Randolph).”
Ang “The Holdovers” nominated sa ilang Academy Award, kabilang na ang “Best Picture” at “Best Original Screenplay.”
Recently lamang ay nakakuha ang pelikula ng dalawang parangal mula sa Golden Globes awards.
Baka Bet Mo: Ariana Grande, Cynthia Erivo bibida sa ‘Wicked’, trailer ipinasilip na
Night Swim
Kung katatakutan naman ang trip niyo, pwede niyong subukan ang horror film na “Night Swim.”
Ito ay base sa acclaimed 2014 short film by Rod Blackhurst and Bryce McGuire na may parehong titulo.
Iikot ang istorya ng pelikula sa isang misteryosong swimming pool kung saan nag-uugat ang mga kababalaghan ng isang bahay.
Ang mga bida riyan ay ang Hollywood stars na sina Wyatt Russell, Kerry Condon, Amélie Hoeferle, at Gavin Warren.
Tiyak na mangingilabot kayo sa kwento nito dahil ang nag-produce ng “Night Swim” ay ang sikat na American film and television producer na si Jason Blum at ang Australian filmmaker na si James Wan.
Para sa kaalaman ng marami, sila ang nasa likod ng iconic hit thrillers katulad ng “M3gan,” “The Saw”, “Insidious” at “The Conjuring,” pati na rin ang “The Black Phone” at “The Invisible Man.”