Michael Cinco tumalak sa celebs na mahilig sa libre: Mahiya ka naman!

Michael Cinco tumalak sa celebs na mahilig sa libre: Magbayad ka!

TINALAKAN ng renowned Filipino fashion designer na si Michael Cinco ang mga celebrities at influencers na todo support sa international brands pero mahilig magpalibre ng mga damit at iba pang services sa mga local designers.

Sa panamagitan ng kanyang Instagram stories ay sunud-sunod ang kanyang naging post kung saan tinatanong nito kung bakit mas tinatangkilik ng mga celebrities at influencers ang mga European brands kesa kesa sa mga Filipino designers na mas kailangan ng suporta.

Saad ni Michael, “So Filipino celebrities and famous influencers are often seen wearing European designer clothes? It seems like they spend a fortune on these items just to keep up with the latest fashion trends.

“But have you ever stopped to think about why they choose to spend their money on these expensive European brands, rather than supporting our very own Filipino designers?”

Chika pa niya, mas bet pa raw ng iba na gumastos sa mga international brands pero mahilig humingi ng libreng damit o serbisyo mula sa kapwa Pinoy.

“It’s quite ironic how these celebrities proudly wear these designer clothes, but when it comes to Filipino designers, they suddenly want everything custom-made for them for FREE,” himutok ni Michael.

“It’s a sad reality that many talented and hardworking FILIPINO DESIGNERS have to face. They pour their hearts and souls into their creations, but are often undervalued and underpaid,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Concert ni Gigi de Lana sa Abu Dhabi pak na pak; gown na isinuot sa finale gawa ni Michael Cinco

Kaya naman hinimok ni Michael ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling atin para mas mapaunlad pa ang the Philippine fashion industry.

“As a society, we need to start recognizing and supporting our own local talents, including fashion designers. They have the potential to create beautiful and unique creations that can rival any European brand.

“So let’s give credit where it’s due and SUPPORT our Filipino designers. It’s time to break the cycle and uplift our own fashion industry,” sey ni Michael.

Aniya, sa tuwing tinatanong siya ng ibang influencers at starlets kung bet ba nitong makipag-collab para sa kanilang wedding dresses o mga outfit pang-red carpet for free, palagi niyang sinasabi sa mga ito na “What a wonderful life.”

Payo pa nga ni Michael sa mga bet magpalibre sa Filipino designers, “Before you approach designers for loan or custom-made clothes for free, inom ka muna ng kape para kabahan ka naman.”

Sabi pa niya in all caps, “Mahiya ka naman!”

Read more...