HOROSCOPE November 02, 2013

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa pinansiyal, unahing pakisamahan ang mga taong nakapaligid sayo, sa kanila ka kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang mamahaling restaurant upang matuwa naman siya sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Amor.” Blue at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) –   Sa pananalapi, wag maging magastos. Ang pagiipon ang sure na paraan patungo sa pagyaman at sa masaganang kinabukasan. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa minamahal. Mapalad ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Om.” Red at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –     Anuman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Sa pinansiyal, wag mong guluhin ang iyong isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isipan, mas masarap na romansa ang makakamit. Mapalad ang 9, 18, 21, 30, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Pink at orange ang buenas.
Gemini – (Mn siya ng malaking halaga ng salapi upang sumigla.  Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong manrta: “Bis-Vincit-Que-Victoria-Vincit.” Gold at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –   Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Sa pinansiyal, bilisan ang pagiipon ng pera. Sa pag-ibig, kapag nag-init ang kasuyo sunggaban agad. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Viam-Inveniam-Faciam”. Green at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –   Upang mas madaling pumasok ang suwerte, paliwanagin ang buong paligid. Ngayon palang magsapit na ng parol na pam-pasko na may ilaw. Lagyan na rin ng Christmas light ang mga bahagi ng bakuran na madilim. Sa pag-ibig, lalong sasarap ang romansa kung gagamit ng kulay na pulang ilaw. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Cineri-Gloria-Sera-Est.” Bukod sa pula mapalad ang dilaw.
Virgo – (August 23 – September 22) –  Iwaksi ang kayabangan! Sa pagpapakumbaba, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, hayaanang ang istilo ng kasuyo ang matupad. Mapalad ang 4, 14, 17, 29, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dimidium-Facti-Qui-Habet.” Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –  Sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Panatiliin ang pagiging pala-ngiti at masiyahin. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung patatawanin ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig upang ang magandang kapalaran ay mapapasa akin!” Red at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –   Iwasan ang ugaling mahilig manghingi.  Mas kikita ng malaking halaga kung tatayo ka sa sarili mong mga paa ng walang ibang inaasahan.  Sa pag-ibig, wag bigyan ng sama ng loob ang kasuyo – halikan mo siya sa lips! Mapalad ang 1, 13, 25, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut-Vincer-Aut-Mori.”  Lilac at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –  Sa pananalapi, bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Now na, kumilos ka na agad! Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga – mga produktong pam-pasko. Mapalad ang 3, 12, 27, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Om.” Green at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –  Kahit may malaking gastusin, maglaan ng salapi para sa pag-iipon. Hindi maganda ang masaya kung mauubos naman ang pera. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “green” siya ang tunay na nagmamahal sayo. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Benit.” Bukod sa green buenas ang gold.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Sa negosyo, umpisahan ng mangalakal sa ibat-ibang lugar. Sa pag-ibig paghandaan ngayon palang ang pagde-date ninyo ng kasuyo sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Nulli-Secunda.” Yellow at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –  Sa pinansiyal, ang pansamantalang pagkaubos ng salapi sa ngayon ang maghahatid sa lubos na pag-unlad sa darating na mga araw. Sa pag-ibig, ang kabiguan ngayon ay lihim na daan, upang matagpuan  ang isang mas maligayang ka-relasyon sa araw ng bukas.  Mapalad ang 4, 7, 19, 24, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om-Krato.” Gold at lilac ang benas.

Read more...