Saksihan ang kakaibang adventure ng storm chasers sa movie na ‘Twisters’

Saksihan ang kakaibang adventure ng storm chasers sa movie na ‘Twisters’

PHOTOS: Courtesy screengrab from Warner Bros. Philippines

MAKALIPAS ang halos tatlong dekada, isang panibagong adventure ang kaabang-abang sa muling pagbabalik ng 1996 disaster movie na “Twister.”

Mapapanood na kasi sa big screen ang sequel ng pelikula ngayong taon!

Pinamagatan itong “Twisters” na nakatakdang ipalabas sa darating na July 17.

Kung aware kayo sa istorya ng original film, tungkol ito sa storm chasers na sinubukang i-deploy ang tinatawag nilang “revolutionary” tornado-monitoring device nang bigla nilang na-encounter ang “deadly tornadoes” sa Oklahoma sa kasagsagan ng tornado season.

Base sa inilabas na trailer ng upcoming film, tila pareho ang sinusundan nitong storyline, pero ang kaibahan lang ay mas updated ito sa panahong ito.

Baka Bet Mo: Ariana Grande, Cynthia Erivo bibida sa ‘Wicked’, trailer ipinasilip na

Narito ang synopsis mula sa Warner Bros. Pictures:

“Kate Cooper (Edgar-Jones), a former storm chaser haunted by a devastating encounter with a tornado during her college years who now studies storm patterns on screens safely in New York City. She is lured back to the open plains by her friend, Javi to test a groundbreaking new tracking system. 

“There, she crosses paths with Tyler Owens (Powell), the charming and reckless social-media superstar who thrives on posting his storm-chasing adventures with his raucous crew, the more dangerous the better.”

Ang mga bibida sa nasabing bagong pelikula ay sina Daisy Edgar-Jones, Glen Powell, Anthony Ramos, at Brandon Perea.

Ang “Twisters” ay mula sa producers ng hit movies na “Jurassic,” “Bourne” at “Indiana Jones” series.

Para sa kaalaman ng marami, alam niyo ba na isa talagang trabaho sa tunay na buhay ang “storm chaser?”

Ayon sa na-search namin sa internet, ito ‘yung mga taong nagta-travel sa iba’t-ibang lugar upang habulin o puntahan ang nagaganap na “extreme weather events”, kagaya na lamang ng buhawi, matinding bagyo, baha at marami pang iba.

Ginagawa nila ito upang makunan ng litrato, mapag-aralan at karagdagang impormasyon para sa publiko.

Read more...