INAMIN ng aktor na si Christian Vasquez na nais niyang makilala nang personal kung sino ba si “Aling Caroline”.
Matatandaang nag-viral si “Aling Caroline” matapos itong magkomento sa isa sa mga video ng aktor kung saan ini-reveal nitong dati raw ay ikinuskos niya ang picture ng aktor sa kanyang “rosas”.
Sa isang vlog ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, napag-usapan nila ni Christian ang mga naging kaganapan ng aktor sa TikTok.
Nabanggit nga ng aktor ang isang netizen na nagngangalang “Junnie Boy” na madalas mag-reuoad ng kanyang reels sa TikTok.
“Actually, gusto kong makilala si Junnie Boy. Very sincere ako noong sinasabi kong ‘Bigyan kitang t-shirt, bigyang kitang air fryer.’ Very sincere ako… Ewan ko, gusto ko lang siyang makilala,” pagbabahagi ni Christian.
Matapos mabanggit ng aktor si “Junnie Boy” ay nabanggit naman nito si “Coraline”.
Baka Bet Mo: Christian Vasquez pinagpantasyahan ng netizen, picture kinuskos sa rosas?
“Kahit si Aling Cora, gusto ko ngang makilala, e. Bakit, hindi?” sey ni Christian.
Usisa tuloy ni Ogie, “Sino si Aling Cora?”
Pagkukuwento ni Christian, ito ang babaeng nag-comment sa kanyang TikTok video.
“Na-restrict ‘yong video? Ano ngang sinabi ni Aling Cora sa’yo?” tanong uli ni Ogie kay Christian.
“Kakaiba ‘yon e. Sabi ng mga kaibigan ko sa ’kin, ‘Viral ka.’ Sabi ko, ‘Oo nga, e. Kakaiba ang dahilan ng pag-viral ko, a.’
“Kinuskos sa rosas ang picture ko. Sabi ko, kakaiba ‘to a,” lahad ni Christian.
Kaya naman natanong uli ni Ogie kung paano niya sinagot ang naturang komento.
“Wala, nag-react lang ako doon. Tapos parang nabasa ko kunwari. [Sabi ko], ‘Pengeng tubig.’ Ganoon lang, ganoon ‘yong naging reaction ko. Tubig lang sinabi ko. Na-violation tuloy ako,” sey ni Christian.
Napag-usapan rin nila kung nakakatanggap pa rin ba ang aktor ng indecent proposal sa kabila ng edad nito.
Pag-alala ni Christian, mayroon daw nagplanong kumuha sa kanya para sa isang birthday party kung saan magbi-videoke raw sila.
“Medyo malaki-laki ang offer niya kaya hindi ako naniwala. Sa edad ko pang-bargain na ako hindi na ako pang malakihang offer.
“Sabi ko, ‘Naku, pasensya ka na. Hindi ako tumatanggap ng ganyan. Maaga akong natutulog. Baka hindi mo na ako mapakinabangan kasi alas otso pa lang natutulog na ako,'” sabi pa ni Christian.
Sa kabila nito, hindi naman daw nahalayan o nabastusan ang aktor sa naging komento ng netizen. Pero hindi rin niya nakikita ito bilang compliment. Ang tingin nito sa mga ganito ay isang biro lamang.