Mga pampaswerte sa Year of the Wooden Dragon

Mga pampaswerte sa Year of the Wooden Dragon

ILANG araw na lang at magaganap na ang Chinese New Year kaya naman agad na dumayo ang BANDERA team sa Binondo para siyasatin kung ano nga ba ang mga bagay na pwedeng maghatid ng suwerte sa atin para sa pagpasok ng Year of the Wood Dragon.

Halina at alamin kung ano ang mga bagay na maaari mong bilhin o gawin para sa mas masaganang taon ng 2024.

PALAY

Noon pa man ay bahagi na ang palay bilang pampaswerte taon-taon, ayon kay Rebecca Bedan na vendor at aming na-interview sa Binondo.

Ang paniniwala kasi noon ng mga ninuno ay araw-araw pumapasok ang biyaya kaya isinasabit ang palay sa main door ng bahay para tuloy-tulog ang pasok ng swerte sa bahay.

GABI

Importante rin ang gabi tuwing Chinese New Year dahil ito ay sumisimbolo sa pamilya.

Isa ito sa mga hindi dapat mawala sa hapg tuwing Chinese New Year upang maiwasan ang pagkakawatak-watak ng isang pamilya at patuloy nilang pagsasama-sama sa hirap o sa ginhawa.

Baka Bet Mo: Kapalaran 2024 sa Year of the Wood Dragon: HAVEY o WALEY!?

12 BILOG NA PRUTAS

Talaga namang hindi mawawala ang mga bilog na prutas na pinaniniwalaang may dalang swerte at ginhawa sa pag-welcome sa Chinese New Year.

Ang 12 fruits ay rumerepresenta sa 12 buwan sa loob ng isang taon.

Ayon kay Jef Salvador, isang fruit vendor, ang madalas das na bilhin sa kanya ay mga peras, green grapes, red grapes, ponkan, kiat kiat, apple, green apple.

Wala namang limitasyon kung anong kulay ang dapat ihanda pero dapat na kumpletuhin ang dose para siguradong magaan ang buong taon ng Wooden Dragon.

KIAT KIAT TREE O MONEY TREE

Ang kiat kiat tree o tinatawag rin na “Money Tree” ay isang beses lang nagbu-bloom sa isang taon at sakto ito sa tuwing nalalapit na ang Chinese New Year.

Ayon sa isang vendor na nakausap namin nang magpunta kami sa Binondo, kapg nawala na raw ang bungang kiat kiat ay napapalitan lang ito ng maliliit at kulay puting bulaklak at muling mamumunga ng kiat kiat matapos ang ilang buwan.

Madalas inilalagay ang kiat kiat tree malapit sa pinto o sa gate ng bahay upang i-welcome ang iba’t ibang positive energies papasok ng bahay lalo na sa aspetong pinansyal.

Tandaan na ang mga ito ay pawang gabay lamang at nasa iyo ang desisyon kung ito ay iyong susundin.

Nasa ating mga kamay pa rin at sa ating pagsisikap nakasalalay kung paano tayo aangat sa buhay.

Dahil ang mga pampasuwerte, kapag sinabayan ng pagsusumikap ay magbibigay kaginhawaan sa ating pamumuhay.

Read more...