Barangay chair na nag-masaker sa 3 utol, sumuko

SUMUKO sa mga awtoridad Miyerkules ng hapon ang barangay chairman na nang-masaker sa tatlo niyang kapatid sa Capiz noong Martes.

Alas-4:30 ng hapon nang sumuko si outgoing Brgy. Manapao chairman Manuel Arcenas sa San Lorenzo Division, La Paz District, at saka dinala sa Camp Martin Delgado, ayon kay Chief Supt. Agrimero Cruz, direktor ng Western Visayas regional police.

Na-monitor si Arcenas sa naturang distrito ng Iloilo City matapos ang isang buong gabing pagtunton sa kanya ng pulisya, ani Cruz.

Naisakatuparan ang pagsuko sa tulong nina Pontevedra Mayor Esteban Contreras at Supt. Kas Disomangcop, ng regional police.

Si Arcenas ang itinuturong pumatay sa mga kapatid na sina Ramon, Jennifer, at Evelyn noong Martes.

Pinagbabaril ng punong barangay ang mga kapatid matapos ang pagkatalo niya at ng kanyang anak sa barangay elections.

Read more...